Zero Gender-Based Violence sa Gitnang Luzon – CHR Region 3

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga — Naitala ng Commission on Human Rights (CHR) Region 3 ang zero kaso ng gender-based violence (GBV) sa Gitnang Luzon ngayong taon, na nagpapakita ng positibong hakbang sa pagtataguyod ng karapatan ng kababaihan sa rehiyon.
Bagama’t ito ay magandang balita, nananatiling mahalaga ang patuloy na pagbabantay upang mapanatili ang progreso. May mga insidenteng hindi naiuulat o nadodokumento, kaya’t hindi pa rin tuluyang nawawala ang diskriminasyon at karahasan laban sa kababaihan at iba pang kasarian.
Bilang tugon, pinalalakas ng CHR Region 3 ang kanilang mga hakbang sa pagtukoy ng mga kaso ng karahasan at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor. Kasama rito ang pagsasagawa ng mga seminar, pagsasanay, at workshop para sa mga ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan, at mga partner sa civil society.
Aktibo ring nakikipagtulungan ang ahensya sa mga lokal na pamahalaan at sa Philippine National Police Women and Children Protection Center upang masubaybayan ang mga kaso ng karahasan batay sa kasarian. Isinusulong din nito ang mas mahigpit na mga batas at ordinansa upang wakasan ang diskriminasyon at pang-aabuso.
Pinalalawak rin ng CHR ang kanilang mga serbisyo upang hikayatin ang mga biktima at saksi na lumantad at magsampa ng reklamo. Kabilang dito ang pagbibigay ng legal na tulong, imbestigasyon sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao, at pagbibigay ng rekomendasyong pampulitika upang mapabuti ang mga umiiral na polisiya.
Upang mas mapadali ang pag-uulat ng mga kaso, inilunsad ng ahensya ang CHR MISMO Serbisyong Oramismo, isang online complaints system na bukas anumang oras. Bukod pa rito, aktibo rin ang kanilang social media at hotline, habang bukas din ang regional office sa San Fernando, Pampanga para sa mga personal na konsultasyon.
Ang patuloy na kampanya ng CHR laban sa GBV ay bahagi ng mas malawak na layunin na makapagtatag ng isang ligtas, pantay, at makataong lipunan para sa lahat ng kasarian. (Grace Batuigas)

ALYAS BRENDON DELA ROSA, KINAKALADKAD ANG PANGALAN NI PCOL GUZMAN SA PANGONGOLEKTA NG PAYOLA

328 BARANGAY PARA SA CHILD DEVELOPMENT CENTERS, PINONDOHAN NG PANGULO!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"