TRADER NG PEKENG SIGARILYO SA QC AT GUNRUNNER SA NEGROS ORIENTAL, TIKLO SA CIDG

QUEZON CITY — Isang malaking tagumpay ang naitala ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa ilalim ng pamumuno ni acting Director Brigadier General Romeo Macapaz matapos ang pagkakaaresto ng dalawang indibidwal na sangkot sa ilegal na kalakalan sa magkaibang operasyon sa Quezon City at Negros Oriental.

Sa Quezon City, naaresto ang suspek na si Angelo (hindi tunay na pangalan) nitong Martes sa Luzon Extension, Mendoza Street, Barangay Sangandaan. Inabutan umano ito sa aktong nagbebenta ng mga pekeng sigarilyo na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit ₱1.3 milyon.

Ayon kay Gen. Macapaz, ang operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng CIDG laban sa mga gumagawa at nagbebenta ng counterfeit items at mga produktong tabako na iligal sa merkado. Kabilang sa mga nakumpiskang kontrabando ay mga pekeng Marlboro Red, Fortune Menthol Green, at Chesterfield Red na sigarilyo.

Inihain na sa National Prosecution Service ang kasong paglabag sa Republic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines laban kay Angelo dahil sa paggamit ng pekeng tatak na maaaring magdulot ng panlilinlang sa publiko.

Samantala, sa Negros Oriental, ikinasa rin ng CIDG-Negros Oriental katuwang ang mga lokal na pulisya ang isang buy-bust operation noong Hunyo 30 sa Barangay Tangculogan, Bais City. Nagresulta ito sa pagkakaaresto ng isang lalaking kinilala sa alyas na Elmer na umano’y sangkot sa bentahan ng ilegal na armas sa rehiyon.

Narekober mula kay Elmer ang apat na hindi lisensyadong baril: isang caliber .45 pistol, caliber .357 revolver, caliber .38 revolver, at caliber .22 revolver.

Ayon pa kay Brig. Gen. Macapaz, tuloy-tuloy ang kanilang mga operasyon upang mapuksa ang mga sindikatong patuloy na nagkakalat ng ilegal na produkto at armas sa iba’t ibang panig ng bansa.

Kahanga-hanga si Brig. Gen. Romeo Macapaz sa kanyang matapang at walang humpay na kampanya laban sa ilegal na gawain. Muli niyang pinatunayang buo ang dedikasyon ng CIDG sa pagsigurong ligtas at payapa ang bawat komunidad. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

GOV CHRISTIAN YAP, DAPAT AKSYUNAN ANG MGA ILLEGAL GAMBLING SA TARLAC!

MAYOR NATIVIDAD, NANGUNA SA PANUNUMPA SA KATUNGKULAN NG MGA BAGONG OPISYAL NG LUNGSOD NG MALOLOS

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"