TRABAHO PARA SA BULAKENYO, PRAYORIDAD NI JAD RACAL!

ANGAT, BULACAN — “MR. TRABAHO” — ito ang bansag ng mga Bulakenyo sa Ikaanim na Distrito kay Congressman Aspirant JAD RACAL dahil buong tapang niyang ipinapahayag ang kanyang pangunahing plataporma: ang makapagbigay ng 15,000 hanggang 20,000 trabaho para sa kanyang mga kababayan sa Bulacan.
Sa aming panayam, iginiit ni Racal na trabaho ang tunay na susi sa pag-asenso ng isang tao, hindi ang umaasa lamang sa ayuda o pansamantalang tulong.
“Siyempre yung priority natin is yung trabaho talaga, actually kung tutulong lang din matagal na po tumutulong ang pamilya namin since 2012 pa yung Racal Foundation namin, kaya itong pagtakbo ko, gusto ko yung direkta na alam kong pangmatagalan na tulong na kahit di ako nakaupo, maraming henerasyon ang matutulungan ko. Kaya nga ang plataporma ko ay Mr. Trabaho yung makapagbigay po ako ng 15k to 20k employment para sa mga kababayan ko , ayon po sigurado po ako na tunay at diretsong tulong ang matatanggap ng mga nasasakupan ko.”
“Kami po ay hindi politicians, kami po ay pamilya ng mga negosyante. Alam namin kung saan uunlad ang isang tao, hindi po sa pamamagitan ng ayuda, kundi sa sariling sikap, tiyaga at hanap-buhay,” ani Racal.
Mula pa noong 2012, aktibo na ang kanilang pamilya sa pagtulong sa mga nangangailangan sa pamamagitan ng Racal Foundation. Subalit para kay Jad Racal, ang pagtakbo niya sa pulitika ay paraan upang gawing mas direkta, mas matibay, at pangmatagalan ang tulong na kanyang maibibigay.
“Gusto ko ng direkta at pangmatagalang tulong na kahit hindi ako nakaupo, maraming henerasyon ang matutulungan ko,” dagdag pa niya.
Sa kabila ng mga pagsubok sa kanyang kampanya — kabilang na ang mga umano’y pagbabanta, ­pambabastos sa kanyang mga campaign materials, at iba’t ibang uri ng panggigipit — nananatiling matatag at positibo si Racal.
“Nagpapasalamat po ako sa walang tigil na suporta ng ating mga kababayan. Kahit sa init ng panahon at hirap ng pag-iikot, sobra pa rin ang dumog ng mga tao sa akin. Nakakataba po ng puso,” wika niya habang hindi maitago ang emosyon.
Para kay Racal, hindi na mahalaga kung anuman ang magiging resulta ng halalan.
Aniya, “Win or lose, okay na ko kasi sobrang dami kong natulungan ngayong eleksiyon. Ang blessing ng Panginoon sa amin, doble, triple pa. Masaya na kami doon.”
Ipinapakita ni Jad Racal na sa puso ng isang batang lider, ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa posisyon o titulo, kundi sa dami ng buhay na kanyang maabot at maiaangat — sa ngayon at sa mga darating pang ­henerasyon. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

High-profile na kaso

PAG-UNLAD NG PILIPINAS, HINDI IMPOSSIBLE KUNG MAGKAKAISA TAYO – MARCOLETA