TORRE PANALO SA CHARITY BOXING

Idineklarang panalo si Philippine National Police (PNP) Chief Nicolas Torre III sa inaabangang charity boxing match laban kay Davao City acting Mayor Sebastian “Baste” Duterte nitong Linggo, matapos hindi sumipot ang huli sa laban.

Ang laban ay nag-ugat sa isang hamon ni Duterte sa kanyang podcast noong Hulyo 20, kung saan binatikos niya si Gen. Torre at hinamon ito sa isang suntukan. Tinanggap naman ng hepe ng PNP ang hamon at iminungkahi na gawin itong isang charity event upang makalikom ng pondo para sa mga nasalanta ng pagbaha dulot ng masamang panahon.

Bagamat naging usap-usapan at tinutukan ng publiko ang nasabing laban, hindi ito natuloy dahil sa hindi pagdalo ni Duterte. Sa kabila nito, tuloy ang event na nagkaroon ng limang undercard boxing matches sa pagitan ng iba’t ibang pares ng boksingero.

Sa kanyang pahayag sa venue, masayang inanunsyo ni Torre na umabot sa mahigit ₱300,000 ang nalikom mula sa ticket sales at karagdagang ₱16 milyon ang donasyon mula sa mga sumuporta. Ayon sa poster ng PNP noong Hulyo 26, lahat ng malilikom ay ilalaan para sa mga kawanggawang layunin, partikular na para sa mga naapektuhan ng matitinding pagbaha.

Bago ang nakatakdang laban, naglatag ng kundisyon si Baste Duterte na dapat hikayatin ni Torre si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipatupad ang hair follicle drug testing sa lahat ng halal na opisyal. Gayunman, nakita si Duterte na lumipad patungong Singapore kasama ang kanyang pamilya nitong Biyernes, dalawang araw bago ang laban.

Sa kanyang podcast noong Hulyo 26, binatikos ni Baste si Torre at sinabing hindi raw ito nakipag-ugnayan ng maayos ukol sa iskedyul ng laban. Dagdag pa niya, handa siyang makipagsuntukan sa ibang petsa, kahit wala raw kamera at walang gloves: “Gusto mo, puntahan kita. Walang camera, suntukan tayo, walang gloves.”

Matatandaang si Torre rin ang nanguna sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, ama ni Baste, at kay Pastor Apollo Quiboloy, kaalyado ng mga Duterte, noong Setyembre 2023 noong siya ay hepe pa ng CIDG.

Sa kabila ng hindi pagdalo ni Baste, naging matagumpay ang event sa layuning makalikom ng tulong at nagsilbing mensahe ng pananagutan at kabutihang-loob sa publiko. (Latigo Reportorial Team)

TALAMAK NA ONLINE SABONG NI ALYAS CAPINPIN AT ALVAREZ SA BATANGAS KONEKTADO SA MISSING SABUNGEROS.

AYUDA SA MALOLOS HATID SA BAHA VICTIMS

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"