TEACHER SA CEBU, BINASH DAHIL SA ILONG, NGAYON INSPIRASYON SA MARAMI

Isang guro sa Lapu-Lapu City, Cebu na si Lucena Seguros ang nakaranas ng pambabash matapos mag-post sa social media ng alok na kape. Sa halip na suportahan, pinuna at nilait ng ilang netizens ang kanyang ilong, dahilan upang umani ng masasakit na salita ang simpleng post ng guro.
Sa kabila ng panglalait, pinili ni Teacher Seguros na maging matatag. Aniya, hindi niya kailangang intindihin ang masasamang salita ng iba dahil alam niya ang kanyang halaga.
Mas napatibay pa siya nang maramdaman ang pagmamahal at suporta mula sa kanyang pamilya, mga kasamahan sa trabaho, estudyante, at maging ibang netizens.
Aminado ang guro na hindi siya naiyak sa mga basher, kundi sa mga taong nagpakita ng malasakit at nagpaabot ng mensahe ng suporta.
Ilan sa mga nambash pa nga sa kanya ay humingi ng tawad, na buong puso rin niyang tinanggap at pinatawad.
Ngayon ay layunin ni Teacher Seguros na maging magandang halimbawa sa mga taong dumaranas ng panghuhusga. Payo niya, gawin itong inspirasyon para patunayan na may mararating pa rin ang isang tao anuman ang itsura, at may malaking silbi pa rin sa lipunan. (Jobelle Sotomayor)

SSS AND TESDA FORGE PARTNERSHIP TO EXTEND SOCIAL SECURITY COVERAGE TO JO AND COS WORKERS

PCOL MALINAO, TIKOM LABAN SA MGA ILLEGAL GAMBLING SA BATANGAS?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"