TARLAC, PUGAD NG MGA NAGKALAT NA ILIGAL NA SUGALAN!

Alyas Ricky, Alyas Python at Alyas Brendon, tuloy-tuloy pa rin pangongolekta sa mga Gambling operator?…

TARLAC – Patuloy ang pagkalat ng mga iligal na pasugalan sa lalawigan ng Tarlac, bagay na matagal nang inirereklamo ng mga residente ngunit tila nananatiling tikom ang bibig ng mga kinauukulan. Umiikot ngayon ang usapin kaugnay sa diumano’y proteksiyon ng ilang opisyal ng kapulisan sa naturang mga sugalan.

Sa gitna ng kontrobersiya, lumutang ang pangalan ni PCOL Miguel Guzman, Provincial Director ng Tarlac Police Provincial Office, matapos na mabanggit sa mga ulat ang dalawang indibidwal na nagpapakilalang kolektor umano ni Guzman – sina Alyas Ricky Gonzales at Alyas Brendon. Ayon sa mga impormasyon, diumano’y nangingikil ang dalawang ito ng “tongpats” sa mga operator ng saklaan at iba pang anyo ng sugal.

Isang concerned citizen mula sa bayan ng Paniqui ang nagpahayag ng pagkadismaya sa tila pagkamanhid ng pamunuan ng pulisya sa lalawigan:

Nako! Hindi na ako magugulat kung may masangkot na opisyal diyan. Matagal na ang problema ng sugal dito, pero parang wala namang ginagawang solusyon.”

Ayon pa sa mga mapagkakatiwalaang source, tinatayang umaabot ng libo-libo kada linggo ang kinokolekta umanong payola na pinapakinabangan ng ilang sangkot na opisyal. Ang mga bayan ng Concepcion, Capas, Paniqui, Victoria, at Tarlac City ang umano’y madalas na iniikutan ng nasabing mga “bagman”.

Bukod sa mga saklaan, laganap din ang sugal lupa at mga pergalan tuwing gabi, na mistulang ginagawang mini-casino ang ilang bahagi ng probinsya.

Mariing panawagan ngayon ng taumbayan kay PCOL Guzman

Galaw-galaw po kayo, kernel! Huwag niyong hayaang yurakan ang inyong pangalan at pagkatiwalaan ng mamamayan ng Tarlac. Kung totoo man ang mga alegasyon, kayo rin ang unang dapat managot.”

Habang umiinit ang isyu, patuloy na binabantayan ng publiko at ng lokal na media ang magiging tugon ng Tarlac PPO. Inaasahan ang agarang imbestigasyon at konkretong aksyon laban sa mga sangkot sa pangongotong at pagpapalaganap ng iligal na sugal.

Abangan sa susunod naming isyu ang update sa kasong ito. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

ILIGAL NA SUGAL AT PEKENG SIGARILYO, LANTARAN PA RIN SA NUEVA ECIJA

PANGULO SA SILID-ARALAN – ISANG DI MALILIMUTANG ARAW SA EDSES

Leave a Reply