TAPAT SA GITNA NG MGA TUSONG HAYOP

Mateo 10:16 – “Narito, sinusugo ko kayo na tulad ng mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat; kaya’t maging marunong tulad ng ahas at walang malisya tulad ng kalapati.”

Sa ating lipunan tila hindi nauubos ang mga mukha ng katiwalian. Parang may mga hayop na paulit-ulit bumabangon mula sa putik ng kasakiman — ang buwayang sakim sa kaban ng bayan, ang lobong handang lamunin ang mahina at ang ahas na tuso sa likod ng ngiti. Sila ang mga simbolo ng sistemang nagpapahirap sa marami at sumisira sa tiwala ng mamamayan.

Ngunit kung mananatili tayong tahimik at magpapaubaya patuloy nilang kakainin ang kinabukasan ng ating mga anak. Hindi sapat ang pag-alma sa social media sapagkat kailangan ng kongkretong pagpili ng tama kahit sa maliliit na bagay. Ang laban kontra katiwalian ay hindi lamang nasa bulwagan ng Kongreso o sa mga korte kundi nagsisimula ito sa ating mga puso, sa ating mga tahanan at sa bawat desisyon na ginagawa natin araw-araw.

Kailangan nating maging marunong ngunit may busilak na hangarin. Tulad ng tupa sa gitna ng mga asong gubat tinatawag tayong mamuhay nang may integridad kahit tila lugi sa una. Ang matapat na maliit na hakbang ng bawat isa ay maaaring magbunga ng malaking pagbabago kung sabay-sabay nating pipiliin ang tama.

Ang hamon sa atin ngayon ay huwag maging buwaya, huwag maging lobo at huwag hayaang gawing alipin ng tukso ang ating mga prinsipyo. Sa halip maging kalapati ng kapayapaan at halimbawa ng katapatan. Kung bawat isa ay magsisimula sa sarili masisira rin ang matagal nang pugad ng katiwalian sa ating lipunan. (DJ

Spread the love

KOMISYON LABAN SA ANOMALYA

THAILAND TRIP NG MANILA SK FED, ANO YAN?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"