Patuloy ang pag-igting ng suporta para kina Governor Daniel R. Fernando at Vice Governor Alex Castro sa iba’t ibang bayan ng Bulacan, habang papalapit ang nalalapit na halalan.
Sa Bayan ng Bulakan, muling pinatunayan ng mga mamamayan ang kanilang matibay na tiwala sa pamumuno nina Gov. Fernando at VG Castro. Sa isang makulay na pagtitipon, nagpasalamat si Gov. Fernando sa mainit na pagtanggap at pagmamahal ng mga Bulakenyo.
“Hinding-hindi po tayo mapapagod na ipaglaban at ipanalo ang kapakanan ng bawat Bulakenyo. Walang pinipili. Walang maiiwan,” ani Fernando.
Kasama nila sa laban ang Team NUP First District, Cong. Danilo “Dad” Domingo, Bokal James Santos, Bokal Michael “Ninong” Aquino, mga Konsehal ng Bulakan, at Damayang Filipino Partylist Nominee Athenie Bautista.
Sa Bayan ng Angat, nag-uumapaw din ang suporta matapos ang Mahal na Araw.
Ayon kay Gov. Fernando, “sumilay ang panibagong pagkakataon para ipakita nating walang makagigiba sa ating pagkakaisa.”
Pinangungunahan ng Team NUP 6th District at Team Lingkod at Dangal ng Lipunan ang pagtutulungan para sa patuloy na kaunlaran ng Angat.
Hindi rin nagpahuli ang Bayan ng Plaridel, kung saan “to the highest level” ang ipinakitang suporta ng mga mamamayan. Kasabay ng pagdiriwang ng makasaysayang Labanan sa Quingua, ipinahayag ni Gov. Fernando ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa wagas na pagmamahal ng mga Plaridelian. Katuwang sa kampanya ang Team NUP 2nd District, sa pangunguna nina Cong. Augustina Dominique “Tina” Pancho, Bokal Erlene Luz “Pechay” Dela Cruz, Bokal Lee Edward “Dingdong” Nicolas, Mayor Jocell Vistan, Vice Mayor Lorie Vinta at mga Konsehal, kasama rin ang Damayang Filipino Partylist.
Samantala, sa Bayan ng Hagonoy, muling sinalubong ng masigabong palakpakan at matatamis na ngiti si Gov. Fernando at VG Castro sa kanilang pagbisita. “Malaking bagay po ito sa nalalapit nating pagsuong sa mahalagang laban para sa ating lalawigan,” pahayag ni Fernando. Kaisa nila sa laban ang Team NUP First District, Team Tayo Naman ng Hagonoy, Cong. Danilo “Dad” Domingo, Bokal James Santos, Bokal Michael “Ninong” Aquino, Mayor Kenneth Bautista, Vice Mayor Atty. Mildred “Dred” Ople, at Damayang Filipino Partylist Nominee Athenie Bautista.
Muling pinatunayan ng bawat bayan na ang pagkakaisa at pagmamalasakit para sa lalawigan ng Bulacan ay buhay na buhay. Sa tulong ng mga lider na tunay na naglilingkod ng may puso at dangal, Bulacan, it’s time to level up! (Latigo Reportorial Team)
