RACAL INDUSTRIAL CITY, MAMAMAHAGI NG PATROL VEHICLES AT MOTORSIKLO SA KAPULISAN NG BULACAN

Libreng Print at Photocopy hatid ni Jad Racal.

Ipinasilip ni Mr. Jonito Racal ang mga unit ng motorsiklo at mobile car na ipamamahagi sa Bulacan PPO bilang suporta sa pagpapalakas ng seguridad sa ikaanim na distrito ng lalawigan.

Ayon sa Facebook live ni Tatay J, nasa 50 piraso ng Motorcycle Patrol at limang mobile cars ang ibibigay sa mga susunod na linggo upang higit pang mapabilis at mapahusay ang operasyon ng kapulisan sa iba’t ibang bayan ng Bulacan.

Kumpleto at maganda ang kalidad ng mga sasakyang donasyon ng mag-amang Racal para sa kapulisan. Ito ay bahagi ng adbokasiya ng grupo ni Racal upang matiyak ang kaligtasan at kapayapaan sa lalawigan.

Samantala, inilunsad naman ni Cong. Jad Racal ang programang Libreng Print at Photocopy Services para sa mga estudyante sa ika-anim na distrito ng Bulacan. Layunin ng proyekto na mabawasan ang gastusin ng mga mag-aaral sa pagpi-print at photocopy ng mahahalagang dokumento, partikular na sa kanilang pang-akademikong pangangailangan.

Ang nasabing serbisyo ay bukas para sa mga mag-aaral mula grade school pataas na residente ng Bayan ng Angat, Norzagaray, at Sta. Maria. Upang maka-avail, kinakailangang magpakita ng valid ID tulad ng School ID o Barangay ID na nagpapatunay ng kanilang paninirahan sa naturang bayan. Hindi kinakailangang botante upang makalahok sa programa.

Upang mapakinabangan ang serbisyo, kailangang naka-like sa opisyal na Facebook page ng programa. Ang mga dokumentong ipapa-print ay dapat ipadala sa email ng headquarters at hindi sa pamamagitan ng flash drive o USB upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus sa kanilang computer system. Ang mga nais magpa-print ay kailangang personal na magtungo sa headquarters upang mag-fill up ng form.

Maaaring magpa-print ng hanggang 100 pahina kada buwan ang bawat indibidwal. Ang serbisyo ay first-come, first-served basis at walang online reservation. Ang operasyon ay mula Lunes hanggang Sabado, mula 9:00 AM hanggang 5:00 PM, at sarado tuwing Linggo.

Ang programang ito ay handog nina Cong. Jad Racal at Tatay J. upang matulungan ang mga kabataang Bulakenyo sa kanilang edukasyon. Hinihikayat ang lahat ng estudyanteng sakop ng distrito na samantalahin ang serbisyong ito para sa kanilang pangangailangan sa pag-aaral.

Spread the love

TULONG PANGKABUHAYAN, HATID NG PCUP SA VISAYAS