SARA DISCAYA, UMAMING MAY-ARI NG SIYAM NA CONSTRUCTION FIRM NA MAY FLOOD CONTROL PROJECT SA ILALIM NG DPWH

MANILA – Matapos ang ilang ulit na pagtanggi, umamin nitong Lunes si Sarah Discaya na siya at ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng siyam na construction firms na nakakuha ng daan-daang flood control projects mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) simula 2022.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, iginiit muna ni Discaya na konektado lamang siya bilang Chief Financial Officer ng Alpha & Omega General Contractor and Development Corp. Ngunit sa matiyagang pagtatanong ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, napilitang umamin ang natalong Pasig City mayoral candidate na siya at ang kanyang asawang si Pacifico “Curlee” Discaya II ay nagmamay-ari rin ng walong iba pang kumpanya na tumanggap ng pondo para sa mga proyekto ng DPWH.

Bukod sa Alpha & Omega, sinabi ni Discaya na kabilang sa kanilang pag-aari ang St. Gerrard General Contractor and Development Corp., St. Timothy Construction Corp., Elite General Contractor and Development Corp., St. Matthew General Contractor and Development, Great Pacific Builders and General Contractor, YPR General Contractor and Construction Supply, Amethyst Horizon Builders and General Contractor & Dev’t Corp., at Way Maker OPC.

Batay sa tala ng Senado, ang Alpha & Omega at St. Timothy ay pumangalawa at pangatlo sa listahan ng 15 paboritong kontratista ng DPWH na nakakuha ng mahigit P100-bilyong halaga ng flood control projects sa nakalipas na tatlong taon.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Blue Ribbon Committee ang umano’y iregularidad at posibleng conflict of interest sa pag-award ng mga proyekto, lalo na’t iisang pamilya ang nagmamay-ari ng maraming kumpanyang nakikinabang sa bilyong pisong kontrata mula sa gobyerno.

N akatakda pang ipagpatuloy ng Senado ang pagdinig upang alamin kung may nilabag na batas o patakaran sa procurement process ng DPWH..(Latigo Reportorial Team)

Spread the love

BATANGAS RAMPANT ILLEGAL GAMBLING DAPAT AKSYUNAN NI PCOL SIBALO!

MALOLOS, PINARANGALAN SA 2025 ENVIRONMENTAL SUMMIT

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"