Malolos City, Bulacan – Pinaboran ng Regional Trial Court (RTC) Branch 15 ng Malolos City ang apela ni Jad Tagabuhin Racal kaugnay sa unang desisyon MTC Angat sa pag-diskuwalipika sa kaniya para sa darating na halalan ngayong taon.
Matapos repasuhin ang mga ebidensyang ipinasa, kinilala ng korte na ang RHC Builders Warehouse sa Ma. Fernando, Sta. Cruz (Poblacion), Angat, Bulacan ang tinukoy ni Racal bilang kanyang tahanan at lugar ng paninirahan sa loob ng anim (6) na buwan bago ang eleksyon. Dahil dito, binawi ng RTC ang desisyong ipinalabas ng Municipal Trial Court ng Angat noong Enero 24, 2025, at inatasan ang Election Registration Board ng Angat na isama si Racal sa listahan ng mga botante sa Barangay Sta. Cruz (Poblacion).
Dahil sa desisyong ito, malinaw na si Jad Racal ay kuwalipikado rin para kumandidato sa Ikaanim na distrito ng Bulacan. (Latigo Reportorial Team)
