RMFB 4A, PINAKAMAHUSAY SA BANSA PARA SA 2025

QUEZON CITY – Pinarangalan ang Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4A bilang Best Regional Mobile Force Battalion Nationwide para sa taong 2025 sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Samson B. Belmonte, Force Commander. Ginanap ang seremonya sa ika-124 Anibersaryo ng Serbisyo ng Pulisya sa PNP Transformation Oval, Camp BGen Rafael T. Crame nitong Agosto 12, 2025, alas-9 ng umaga.

Dumalo sa nasabing pagdiriwang si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Guest of Honor and Speaker. Tampok sa selebrasyon ang pagkilala sa mga yunit at indibidwal na nagpakita ng natatanging kontribusyon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong bansa.

Ang natanggap na karangalan ng RMFB 4A ay sumasalamin sa mataas na antas ng propesyonalismo at dedikasyon ng kanilang hanay sa pagtugon sa mga pangangailangan ng seguridad. Kabilang dito ang mabilis na pagresponde sa mga emerhensiya, pagpapatupad ng mga operasyon laban sa kriminalidad, at pagpapanatili ng kaayusan sa rehiyon ng CALABARZON.

Sa pamamagitan ng walang humpay na serbisyo at pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor ng lipunan, nananatiling huwaran ang RMFB 4A sa larangan ng pagpapatupad ng batas at pagbibigay ng proteksyon sa mga mamamayan. Ang parangal na ito ay nagsisilbing patunay sa patuloy na tagumpay at pagsusumikap ng kanilang yunit sa pambansang antas. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

BATANGAS SUGALAN MALAKAS PA

GEN TORRE NAGBABALA SA MGA PRANKSTER!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"