RAMPANT ILLEGAL GAMBLING SA LAGUNA, TULOY-TULOY PA RIN ANG OPERASYON!

LAGUNA — Sa ikalawang sunod na linggo ng pagkalampag natin ukol sa mga nagkalat na ilegal na mga pasugalan sa Laguna, mas lalong umiinit ang tensyon sa pagitan ng mga mamamayan at ng mga opisyal na umano’y kasabwat sa patuloy na operasyon ng mga sugalan.
Sa pinakabagong mga ulat na nakalap ng Latigo Weekly, may naidagdag pang mga lugar na nasasangkupan ng mga iligalista gaya ng Calauan, Nagcarlan, at Liliw, kung saan umano’y tahasang ginaganap ang “video-karera,” “sakla,” at “loteng” sa mga tagong pasugalan. Ayon sa mga residente, tila mas lantaran na ang aktibidad lalo na’t dumadami na ang mga umano’y “collector” na nag-iikot para mangulekta ng lingguhang tara mula sa mga gambling operators.
Patuloy pa ring laman ng mga usapan sa ang pangalan ni PCOL RICARDO DALMACIA, na ayon sa mga insider ay diumano ay “hands-on” pa rin sa pagmomonitor ng “payola scheme,” kung saan muling binigyang-diin ang papel ni alyas SARHENTO, na sinasabing kumikilos bilang punong tagapangasiwa ng koleksyon mula Laguna patungong Quezon at Batangas.
Bagamat may mga umiiral na programang anti-crime gaya ng Oplan Sita, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), at mga regular na PNP checkpoints, tila hindi naman naaabot ng mga operasyong ito ang mga sugalan sa loob ng mga compound at pribadong establisyemento.
Samantala, si GOVERNOR RAMIL HERNANDEZ, na dati nang nadawit sa alegasyon ng diumano`y pagtanggap ng lingguhang envelope mula sa mga gambling lords, ay nananatiling tikom ang bibig sa kabila ng panawagan ng publiko para bigyan linaw at aksyon. Ilang youth groups mula San Pablo City at Los Baños ang nananawagan na sa Sangguniang Panlalawigan upang buksan ang isang public inquiry sa mga alegasyon.
Naglabas naman ng pahayag ang isang Barangay Captain mula Calauan na nagsasabing dapat mapangalagaan ang kabataan mula sa ganitong uri ng kapaligiran.
“Ang kita mula sa sugal ay pansamantala, pero ang epekto nito sa moralidad at kinabukasan ng kabataan ay pangmatagalan,” aniya.
Habang tumatagal, lalong lumalalim ang pangangailangan ng ma Laguneño para sa mabilis, patas, at matibay na aksyon mula sa pambansang pamahalaan.
Kailangan na ito agad aksyunan ni GOV. HERNANDEZ AT PCOL DALMACIA at lupigin ang mga iligalistang ito na walang harimunang kinakaladkad ang inyong mga pangalan. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

MGA ILIGAL NA SUGALAN SA BATANGAS, MAS LUMALALA!

OPISYAL NA BALOTA PARA SA LOCAL ABSENTEE VOTING, IPINAMAHAGI NA NG COMELEC