PUMILI NG BAGO NGAYONG HALALAN 2025, PARA SA PAGBABAGO

Pumili ng bago, sabi nila. Magbago, sabi nila. Huwag nang magpadala sa mga luma, sabi nila. Pero, kada eleksyon, paulit-ulit na lang ang paalala. At sa kabila ng lahat ng mga pangako ng pagbabago, tila ba hindi pa rin natuto ang mga Pilipino.
Halos bawat eleksyon, naririnig natin ang parehong mga salitang “pagbabago” at “reforma.” Laging inuukit sa ating isipan na ang mga kandidato ay may mga bagong plano at solusyon para sa ating bayan. Pero bakit nga ba tila walang pagbabago? Kung titingnan mo ang mga kandidato, madalas na ang mga mukha nila’y pamilyar—mga dating opisyal, mga politiko na nagtagal sa gobyerno, at mga pamilya na paulit-ulit na nakaupo sa mga posisyon ng kapangyarihan. Ano nga ba ang tunay na pagbabago?
Hindi ba’t tama na ang mga pakitang-tao? Hindi ba’t panahon na para maghanap tayo ng mga bagong lider na may malasakit sa mga mamamayan? Yung mga hindi nauurong sa kanilang mga prinsipyo, hindi nagtatago sa ilalim ng mga pangalan at apelyido na may kakabit na interes.
Yung mga hindi lang naglalakad sa daan ng kasikatan kundi yung may malasakit at tunay na pagnanais na mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.
Minsan, nakakalungkot isipin na ang ating desisyon sa halalan ay nagiging base sa mga makikinang na propaganda, sa mga bigating pangalan, at sa mga gimik.
Pero paano nga ba natin matutulungan ang ating bayan kung paulit-ulit na lang tayo sa mga lumang sistema? Pumili tayo ng bago. Pumili tayo ng mga lider na may integridad, hindi lang ng mga lider na may pera at posisyon.
Ang pagnanasa para sa pagbabago ay hindi nakasalalay sa mga pangako ng mga nakasanayang pangalan.
Nasa atin ang kapangyarihan para magtakda ng bagong direksyon.
Kaya’t sa darating na Halalan 2025, sana hindi na tayo magpadala sa mga nakasanayan. Pumili tayo ng bago, para sa tunay na pagbabago! Huwag nating sayangin ang pagkakataon na makagawa ng mas makatarungan at mas maliwanag na bukas.

AUTOMATED COUNTING MACHINE, HINDI DAPAT NAKA-CONNECT SA INTERNET SA ORAS NG PAGBOTO!

BANTA SA MGA TAGA-SUPORTA NI JAD RACAL, ISINIWALAT!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"