PULIS NA NASAWI SA ENGKWENTRO, BINISITA NI PNP CHIEF TORRE

QUEZON CITY — Personal na binisita ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Nicolas Torre III nitong Martes ang burol ni Patrolman Harwin Curtney Baggay, ang pulis na nasawi matapos makipagbarilan sa isang holdaper noong Lunes.

Sa ulat ng PNP, nagtungo si Gen. Torre sa Camp Caringal Chapel upang ipaabot ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng yumaong pulis at kilalanin ang kabayanihang ipinamalas nito sa gitna ng tungkulin.

Ayon sa imbestigasyon, nasa tapat ng Benigno Aquino Elementary School sina Baggay at isa pang kasamahang pulis nang makarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril mula sa layong 25 metro. Agad silang rumesponde at naabutang nagaganap ang isang insidente ng pagnanakaw.

Tinamaan ng bala sa kaliwang braso at katawan ang biktimang si “Sonny” habang si “Irah Mae” naman ay nadaplisan ng fragmento ng bala. Pareho silang dinala sa Rosario Maclang Hospital para sa agarang lunas.

Samantala, tinamaan si Patrolman Baggay ng bala sa kaliwang braso na tumagos sa kanyang dibdib. Sa kabila ng matinding sugat, nagawa pa nitong makaganti ng putok, habang napatay naman ng kanyang kasama ang suspek.

Kaagad ding isinugod si Baggay sa Rosario Maclang Hospital ngunit idineklara siyang dead on arrival ng doktor.

Lubos ang pagdadalamhati ng Quezon City Police District (QCPD) at ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa pagkawala ng isa sa kanilang matapang at dedikadong alagad ng batas.

Tiniyak ng PNP na magkakaloob sila ng tulong sa naiwang pamilya ng nasawing pulis bilang pagkilala sa kanyang kabayanihan. (Latigo Reportorial Team)

BULACAN, PANGATLO SA PINAKALIGTAS NA LALAWIGAN SA BUONG PILIPINAS NGAYONG 2025!

SAKLA SA ALFONSO AT DASMARINAS CAVITE, TULUYAN PA RING NAMAMAYAGPAG!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"