POSTE NG MRT-7 SA QUEZON CITY, GIBA!

Bumagsak ang isa sa mga itinatayong poste ng Metro Rail Transit-7 (MRT-7) sa West Avenue, Quezon City nitong Linggo ng hapon, ayon sa ulat . Ayon sa opisyal ng Barangay Philam, ang bumagsak ay isang bored pile na magsisilbing pundasyon ng elevated turnback guideway para sa pagmamaniobrahan ng mga tren. Kaagad na rumesponde ang mga tauhan ng barangay at tumambad sa kanila ang nagbagsakang steel bars at scaffoldings sa lugar ng insidente.
Sa kabila ng aksidente, walang naiulat na nasaktan at walang sasakyang nadamay sa pagbagsak, bagaman naapektuhan ang ilang linya ng kuryente. Patuloy na iniimbestigahan ang insidente upang matukoy ang sanhi ng pagbagsak at matiyak ang kaligtasan sa pagpapatuloy ng konstruksyon ng proyekto..
(Sabrina Ramirez)

Spread the love

KALANSAY NG NAWAWALANG DALAGITA, NATAGPUAN SA TAGUM CITY

“HUWAG MAGING KAMOTE SA DAAN” – PBBM