PONDO SA KAMPANYA NI GOV. GUICO III GALING SA GAMBLING MONEY?

PANGASINAN — Usap-usapan ngayon sa buong lalawigan ng Pangasinan ang umano’y paggamit ng “gambling money” o pera mula sa iligal na sugal bilang campaign fund para sa mga tumatakbong opisyal sa nalalapit na midterm elections.
Ayon sa mga ulat, isang mataas na opisyal ng lalawigan ang hinihinalang humihingi ng kontribusyon mula sa mga illegal gambling operators kapalit ng proteksyon at kalayaan sa operasyon. Sinasabing laganap at malaya na ngayon ang mga iligal na sugal sa probinsya sa ilalim ng pamumuno ni Governor Ramon Guico.
Ibinunyag ng isang pulis na kilala sa alyas na “Tinyente Pidlawan” na ipinaabot niya umano sa mga gambling operators, partikular sa asosasyon ng mga perya operators sa buong Pangasinan, ang mensahe tungkol sa hinihinging suporta para sa pangkamapnya. Ayon sa kanya, triple na raw ngayon ang halaga ng “goodwill” o timbre na hinihingi kapalit ng kaligtasan sa hulihan o raid.
Si Tinyente Pidlawan umano ang nagsisilbing bagman o tagakolekta para sa opisina ng GOB. GUICO III at ng PNP Provincial Director ng Pangasinan na si PCOL CAPOQUIAN .
Dahil dito, nabubuo ang tanong ng marami kung Si Gov. Guico at PD Capoquian nga ba mismo ang nag-utos ng panghihingi ng payola mula sa mga gambling operators para sa kanyang kampanya?
Lumalabas din sa mga ulat na hindi lamang ang gobernador ang makikinabang sa mga naturang pondo, kundi maging ang kanyang buong partido — kasama na ang mga kaalyadong alkalde at lokal na opisyal sa iba’t ibang bayan at lungsod.
Kabilang umano sa mga lugar kung saan aktibong nakakapag-operate ang mga peryang may sugal ay San Carlos, Asingan, Mangaldan, Dagupan, Pozorrubio, Anda, Bani, Rosales, at Umingan. Malaki na raw ang nakokolektang payola mula sa mga ito, ayon sa mga impormante.
Mas ikinababahala pa ang umano’y posibilidad na hindi lang sa iligal na sugal kinukuha ang pondo kundi pati na rin sa “drug money” — na maaaring ginagamit sa pagbili ng boto sa darating na halalan.
Ang pangalan ni Gov. Ramon Guico ay paulit-ulit na lumulutang sa mga isyung ito lalong-lalo na kapag may kinalaman sa iligal na mga sugal , batay sa mga pagbubunyag ng asosasyon ng mga peryante.
Anila, lumalala na ang pasanin nila sa negosyo, dahil sa mga hinihinging bayad mula sa ilang tiwaling pulis, opisina ng gobernador, at mga mayor na kapartido ng gobernador.
“Grabe na ang kapal ng mukha!” ayon sa ilang negosyanteng perya. “Halos lugi na kami sa dami ng hinihinging bayad!”
Ngayon bakit kaya malakas ang loob ni Tinyente Pidlawan na kaldkarin ang mga pangalan nina Gov. Guico at ni PD Capoquiankung hindi ito totoo?
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Gov. Guico at sa tanggapan ni PCOL Capoquian. Patuloy na binabantayan ng taumbayan ang isyung ito na maaaring mauwi sa imbestigasyon at posibleng pagsasampa ng kaso kung mapapatunayang may basehan ang mga alegasyon.. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

MARCOLETA SA NUEVA ECIJA!

PD PCOL MALINAO JR AT CIDG PLTCOL JAKE BARILA, TAHIMIK SA PAG-ARANGKADA NG ILLEGAL GAMBLING SA BATANGAS