PNP, HINIMOK NA BAWIIN ANG P200-M RANSOM KAY ANSON QUE — PIMENTEL

Hinimok ni Surigao del Sur Representative Johnny Pimentel ang Philippine National Police (PNP) na gawin ang lahat ng makakaya upang mabawi ang P200 milyong ransom na ibinayad ng pamilya ng negosyanteng si Anson Que, na dinukot at kalauna’y pinaslang ng kanyang mga bihag. Ayon kay Pimentel, dapat gamitin ng PNP ang lahat ng available na yaman at kasangkapang imbestigatibo upang masundan ang daloy ng pera, mapanagot ang mga sangkot, at maibalik ang halagang kinubra sa ilegal na paraan.
Binalaan din ng kongresista ang pamahalaan na ang kabiguang mabawi ang ransom ay maaaring magbigay lakas ng loob sa mga sindikatong kriminal at magpatuloy sa karahasang kinakaharap ng publiko. “Ang gobyerno ay dapat magpadala ng malinaw na mensahe: walang puwang ang krimen, at ang hustisya ay hindi titigil sa pagtugis sa mga nagbabanta sa kapayapaan at seguridad,” dagdag pa ni Pimentel, sabay giit na dapat maibalik ang pera sa pamilya ni Que. (Jobelle Sotomayor)

Spread the love

LAGUNA AT BATANGAS, RAMPANT PA RIN ANG ILLEGAL GAMBLING!

BSP, NAGBABALA SA PUBLIKO KONTRA PEKENG PAGGAMIT SA TANGGAPAN!