PMGEN TORRE III, ITINALAGA BILANG BAGONG PNP CHIEF

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Major General Nicolas Torre III bilang bagong Hepe ng Philippine National Police (PNP) matapos ianunsiyo ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw,

Si Major General Nicolas Torre III ang papalit kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na magtatapos sa kanyang termino sa darating na Hunyo 7.

Si Torre, na kasalukuyang direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at kilala sa kanyang matatag na paninindigan laban sa kriminalidad at katiwalian.

Siya ay miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 1993 at may malawak na karanasan sa serbisyo bilang dating hepe ng pulisya sa Samar province, Quezon City, at Davao Region.

Tampok sa kanyang karera ang pamumuno sa operasyon upang ihain ang arrest warrant laban kay Pastor Apollo Quiboloy, ang tagapagtatag ng Kingdom of Jesus Christ, dahil sa mga kasong human trafficking. At noong Marso 2025, ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, base sa warrant of arrest mula sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng umano’y mga krimen laban sa sangkatauhan.

Inaasahang magdadala si Torre ng matibay na liderato at reporma sa pambansang kapulisan sa kanyang pag-upo bilang bagong PNP Chief. (Mario Batuigas)

PBBM PINANGUNAHAN ANG OATH-TAKING CEREMONY NG (29) NA OPISYAL NG PCG SA CEREMONIAL HALL SA PALASYO NG MALACANANG

PMGEN TORRE III, ITINALAGA BILANG BAGONG PNP CHIEF

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"