PLTGEN. NARTATEZ JR, PINANGUNAHAN ANG PAGHAHANDA SA MALAWAKANG KILOS-PROTESTA

MANILA – Personal na ininspeksyon ni Acting PNP Chief PLTGen Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mga paghahanda para sa inaabangang anti-corruption rally bukas, Setyembre 21.

Sinimulan ni Nartatez ang maghapon niyang pag-ikot sa Metro Manila Development Authority (MMDA) headquarters kung saan nakipagpulong siya sa mga opisyal upang repasuhin ang traffic management plan at tiyaking maayos ang daloy ng sasakyan kahit inaasahang dadagsa ang libu-libong lalahok.

Matapos nito, bumisita siya sa DILG Unified 911 System Office, na magsisilbing command at signal center ng PNP para sa mobilisasyon. Dito nasaksihan niya kung paano makikipag-ugnayan nang real time ang mga pulis, bumbero, at medical responders sa field.

Pumunta rin ang hepe sa Manila Police District Station 5 upang kausapin ang mga nakatalagang pulis at ipinaalala ang direktiba para sa pinakamataas na antas ng kahandaan at seguridad ng publiko.

Nagpatuloy si Nartatez sa Mendiola upang makita ang kalagayan ng mga tauhan sa lugar, bago tumungo sa Legarda LRT Station kung saan sumakay siya ng tren at sinuri ang kaligtasan ng mga pasahero sa mga istasyong Recto, Taft-EDSA MRT, at Ortigas. Tinapos niya ang inspeksyon sa EDSA Shrine at sa People Power Monument.

Sa kabuuan, ipinakita ni PLTGen Nartatez ang isang hands-on na pamumuno upang matiyak na handa ang publiko at mga tauhan ng kapulisan para sa ligtas at maayos na pagsasagawa ng anti-corruption rally.(L

Spread the love

PANGULONG MARCOS JR, NANAWAGAN NG TAPAT NA PAGLILINGKOD SA MGA LOKAL NA OPISYAL

BULACAN, KABILANG SA TOP 5 MOST BUSINESS-FRIENDLY LGUS – PCCI

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"