PGB, TULOY-TULOY SA PAGSASAGAWA NG RELIEF OPERATIONS

BULACAN – Hindi naging hadlang ang patuloy na pag-ulan at pinsalang dulot ng habagat at magkakasunod na bagyo sa pagsasagawa ng tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan (PGB) para sa mga apektadong mamamayan.

Sa pangunguna nina Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Alexis C. Castro, agad na naipamahagi ang mga relief goods sa mga bayan ng Marilao, Paombong, Calumpit, Obando, at sa Lungsod ng Malolos. Layunin ng operasyon na maibsan ang hirap at gutom ng mga pamilyang sinalanta ng masamang panahon.

Kaagapay ng PGB sa isinagawang relief operations ang mga katuwang na ahensya at organisasyon na hindi rin nag-atubiling makiisa at magpaabot ng suporta. Sa kabila ng mga hamon sa panahon, hindi nagpatinag ang mga kawani ng pamahalaan sa kanilang misyon—ang magsilbi nang may malasakit at pusong Bulakenyo.

Muling pinatunayan ng Bulacan na sa gitna ng sakuna, ang pagkakaisa at tunay na serbisyo-publiko ang siyang sandigan ng bawat mamamayan. (Latigo Reportorial Team)

MARCOLETA BAGONG BLUE RIBBON CHAIR

KASO LABAN KAY ATONG ANG UMUSAD NA

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"