Alyas ALEX, bagman ni PD Malinao at Kernel Barila?
BATANGAS – “Tahimik at walang kibo” ganiyan inilarawan ng mga concerned citizen itong sina Batangas Provincial Director PCOL Malinao Jr at CIDG Laguna Provincial Field Unit LTCOL Jake Barila kaugnay sa diumano`y pagpapabaya ng mga ito sa paglaban kontra RAMPANT ILLEGAL GAMBLING sa BATANGAS.
Kung saan ay matagal ng pinahihirapan ng mga sugalang ito ang buhay ng mga Batangeño na halos ilang ulit na diumano pinarating sa tanggapan ni Batangas Provincial Director PCOL JACINTO MALINAO, JR na bakit hanggang sa ngayon ay nananatiling hindi natutugunan at inaaksyunan diumano ng BATANGAS PPO ang isyu na ito na siyang nagdudulot ng pangamba sa mga mamamayan.
Ngayon tila ay nagkalat ang mga iligal na pasugalan sa mga barangay tulad ng Brgy. Banaba San Pascual, kung saan aktibong nag-o-operate si Tessie Korea sa Bite Batangas, at si Jovelle naman sa Buhay na Sapa San Juan. Kasama na rin ang mga barangay ng Lanatan sa Balayan at Tambo sa Lipa.
Sa kabila diumano ng mga reklamo, tila animo`y mga bulag at pipe daw itong sina PCOL JACINTO MALINAO AT PLTCOL BARILA na hindi umano makitaan ng sinserong aksyon.
Kalat din umano ang lingguhang pangongolekta ng payola sa mga sugalang ito ng nagpakilalang BAGMAN ni PD PCOL JACINTO MALINAO AT KERNEL BARILA na si ALYAS ALEX.
Ayon sa ating source, TRIPLE pa sa TRIPLE ang hinihinging payola ni ALYAS ALEX sa mga operators ng sugalan sa nasabing lalawigan kapalit ng PROTEKSYON sa operasyon ng mga ito.
Napag-alaman natin na tila umaaray na rin ang mga illegal gambling operators dahil sa laki ng perang ini-engreso nitong si Alyas ALEX pero wala silang magawa dahil diumano ay kay PD naman daw ito makakarating kaysa tuluyan silang mawalan ng kita at hanap buhay.
KITA AT HANAP BUHAY na sisira sa buhay ng napakaraming Batangeño. Kaladkad malala sila PD JACINTO MALINAO AT PLTCOL JAKE BARILA sa bagman na ito, pero kung mapatunayan ehh PAGKASIBAK aabot ang pagkakaugnay nila dito.
Nakarating din sa atin ang muling din ang pamamayagpag ng mga tinaguriang “BIG 4” na pinamumunuan nina ALYAS ANA TOMBOY, ALYAS GARY ng Brgy. Sampaguita, ALYAS KAP RONALD ng Brgy. Sabang, ALYAS KAP RANDY ng Brgy. Sulok, ICARO G. at MACOY ng Poblacion na kilala sa pag-oopereyt ng mga SAKLAAN AT BOOKIES sa lalawigan.
Dahil dito, nanawagan ang mga concerned citizens sa tanggapan nina PCOL JACINTO MALINAO AT PLTCOL BARILA na aksyunan at kalampagin ang mga illegal gambling operators na ito sa lalawigan.
Nais malaman ng mga Batangeño ang inyong katapatan sa paglilingkod.
PCOL JACINTO MALINAO AT PLTCOL BARILA aksyunan niyo na po ito, dahil kung hindi niyo masasampulan ang mga iligalistang ito, baka lalong magjhinala ang taumbayan sa inyo niyan?
MGA KERNEL galaw galaw po. May susunod pa! (Latigo Reportorial Team)