PD EUGENE MARCELO, TULOY ANG PROTEKSIYON SA MGA ILLEGAL NA SUGAL SA PAMPANGA?

PAMPANGA — Ang pagkakadawit sa pangalan ni Pampanga Provincial Director PCOL. Eugene Marcelo sa umano’y operasyon ng mga iligal na sugal at iba pang bawal na aktibidad tulad ng paihi o ilegal na pagbebenta ng langis, video karera, at mga peryahan ay patuloy na mas lumalalim dahil sa tila kawalan ng aksiyon matapos nating maiparating ang tungkol sa kaniyang tanggapan nakaraang linggo.

Lumalabas sa mga ulat na si PCOL. Marcelo umano ang nagbibigay-proteksyon sa mga negosyong ito sa pamamagitan ng kanyang sinasabing bagman na nakilalang si ALYAS RANIEL. Dahil dito, maraming residente ang nagtatanong kung bakit tila walang nakikitang mga operasyon o accomplishment laban sa mga sugal-lupa sa Pampanga.

Ayon sa impormasyon, pinangangalagaan umano ni ALYAS RANIEL ang mga paihi operation nina PINGGOY AT RUDY sa Barangay Gutad, Floridablanca; ALYAS FRED sa San Simon; at ALYAS EDDIE sa Lacpao, Lubao — na sinasabing kasosyo pa umano ni Raniel.

Ipinagyayabang pa raw ni alyas Raniel na hindi gagalawin ang mga video karera sa Mabalacat dahil “sagot” na umano ito sa pamamagitan ni PCOL. Marcelo. Mayroon din umanong peryahan si Raniel sa ilang barangay na patuloy pa ring tumatakbo kahit may mga kampanya ang kapulisan kontra sugal ang lokal na pulisya.

Patuloy namang hinihintay ng publiko ang magiging pahayag ng kampo ni PCOL. Marcelo hinggil sa mga paratang na ito. Samantala, nananawagan ang mga mamamayan ng Pampanga sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng masusing imbestigasyon at agarang aksyon upang tuluyang masugpo ang mga iligal na aktibidad sa lalawigan.(Latigo Reportorial Team)

Spread the love

10 MOST WANTED SA GITNANG LUZON, NALAMBAT NG PRO-3 SA LOOB NG 14 ARAW

MALOLOS, NANGUNA SA LGU-LED AUDIT NG MGA FLOOD CONTROL PROJECTS

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"