PCUP, NAGDAOS NG 2-DAY OPERATIONAL PLANNING PARA SA FY 2026

SUBIC, Zambales – Pinangunahan ni Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) Chairperson at CEO, Usec. Michelle Anne “Che-Che” B. Gonzales ang dalawang araw na Operational Planning para sa Fiscal Year 2026 ng Office of the Chairperson.

Dinaluhan ito ng mga kawani mula sa iba’t ibang yunit ng komisyon kabilang ang OC Proper, Commission Secretariat Services Unit, Information and Technology Unit, Legal Unit, Media and Public Information Unit, at Participatory Governance Unit.

Tampok sa pagpupulong ang talakayan hinggil sa mga programang ipatutupad ng bawat sub-unit sa darating na taon, bilang bahagi ng pagpapatibay ng serbisyo ng ahensya sa sektor ng maralitang tagalungsod.

Isa rin sa mga binigyang-diin ang paghahanda para sa nalalapit na Urban Poor Solidarity Week 2025 at ang pagpapatupad ng ALPAS Komunidad Flagship Project na inaasahang magbibigay ng dagdag na suporta at benepisyo sa mga urban poor communities sa bansa.

Ayon kay Usec. Gonzales, mahalaga ang maagang pagpaplano upang masiguro ang maayos at epektibong pagpapatupad ng mga programa ng PCUP sa 2026. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

PCOL SIBALO KONTRA ILLEGAL GAMBLING SA BATANGAS, MAHINA?

DSWD, NAGPAABOT NG PHP2M TULONG SA MGA NASALANTA NI MIRASOL AT NANDO

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"