PCOL SIBALO KONTRA ILLEGAL GAMBLING SA BATANGAS, MAHINA?

BATANGAS – Patuloy ang hinaing ng mga residente laban sa talamak na operasyon ng E-Sabong na umano’y pinatatakbo ni alyas Alvarez sa Sto. Rosario at iba pang bayan sa lalawigan. Ayon sa ilang concerned citizen, matagal na nilang inirereklamo ang sugal na ito dahil sinisira nito ang maraming pamilya, subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito napatitigil ng lokal na kapulisan sa ilalim ng pamumuno ni PCOL Sibalo.

Bukod sa e-sabong, lantad din umano ang iba pang pasugalan tulad ng saklaan, bookies, pergalan at operasyon ng “paihi” sa mga bayan ng Cuenca, Alitagtag, San Luis, Lian, at maging sa paligid ng ilang municipal hall. Dahil dito, ipinahayag ng publiko ang kanilang pagkadismaya at nagbabantang ihain ang reklamo sa mas mataas na antas ng kapulisan kung mananatiling tikom ang aksyon ng lokal na pamunuan.

Sa kanilang panawagan, hinamon ng mga residente si PCOL Sibalo na ipaliwanag kung ano ang kanyang kongkretong plano laban sa mga itinuturong personalidad na sangkot sa iligal na sugal, kabilang sina Larry “Bokbok,” Jayson “Tomboy,” Donya Yolly at ang tinaguriang “Big 4” ng saklaan at bookies. Nanatili ring sentro ng reklamo ang patuloy na operasyon ng e-sabong na iniuugnay kina Aries Alvarez at alyas John Capinpin.

Ayon sa taumbayan, binansagan nila na “MAHINA” ang liderato ni PD dahil sapat na ang oras na ibinigay nila kay PCOL Sibalo para kumilos ngunit hanggang ngayon ay hindi nila alam kung kailan ito kikilos.

PCOL Sibalo, kilos-kilos na po tayo. Upang maalis ang pagdududa ng taumbayan.(Latigo Reportorial Team)

Spread the love

MGA HEPE SA TANZA, CAVITE CITY AT DASMARIÑAS, TUTULOG-TULOG?

PCUP, NAGDAOS NG 2-DAY OPERATIONAL PLANNING PARA SA FY 2026

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"