PCOL QUIMNO, TULOY MAY BASBAS SA PANGONGOLEKTA NG PAYOLA NI ALYAS BEBET AGUAS?

METRO MANILA – Sa kabila ng sunud-sunod na panawagan ng Anti-Crime and Vice Crusaders (ACVC) at iba’t ibang sektor ng lipunan, tila walang pagbabago sa kinakaharap na isyu ng talamak na katiwalian sa hanay ng CIDG-NCR na pinamumunuan ni Police Colonel Marlon Quimno.

Ayon sa pinakabagong ulat mula sa ilang concerned citizens, patuloy pa rin ang diumano’y koleksyon ng “payola” ni Alyas Bebet Aguas, sa kabila ng mariing babala ng ACVC noong nakaraang linggo. Sa kabila ng kontrobersya, nananatiling tahimik ang opisina ni PCOL Marlon Quimno, at wala pa ring opisyal na pahayag o aksyon mula sa kanyang tanggapan hinggil sa mga mabibigat na alegasyon.

“Ilang ulit na naming kinalampag ang CIDG-NCR, ngunit parang wala silang naririnig. Tuloy pa rin ang koleksyon, tuloy pa rin ang jueteng at sugal lupa sa ilalim ng pangalang Bebet Aguas,” pahayag ng tagapagsalita ng ACVC.

Ilan sa mga operasyong pinangangalagaan umano ni Alyas Bebet Aguas ay ang King & Queen Club sa Pasay City, na ayon sa mga impormante ay matagal nang protektado kapalit ng lingguhang padulas. Dagdag pa ng mga insider, ginagamit ni Aguas ang pangalan ni PCOL Quimno upang takutin ang mga operator at palakasin ang kanyang kontrol sa mga ilegal na aktibidad gaya ng peryahan, paihi, at night clubs — ilan pa nga ay may koneksyon umano sa ilegal na droga.

Nakababahala rin ang patuloy na pagyayabang diumano ni Bebet Aguas sa mga operator:

“Hindi ako kayang alisin, ako ang may hawak ng payola sa CIDG-NCR.”

Habang tumatagal ang pananahimik ng CIDG-NCR, lumalakas ang panawagan ng mga mamamayan. Ayon sa ACVC, wala na silang ibang pagpipilian kundi lumapit kay bagong PNP Chief PGEN Nicolas Torre III upang hilinging buwagin o imbestigahan ang ugnayan ni PCOL Quimno at ni Aguas. Plano rin ng grupo na magsumite ng opisyal na reklamo sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin upang masusing silipin ang lumalalang isyu.

Samantala, mariin ang panawagan ng mga media at civil society groups:

“Kung walang kinalaman si Col. Quimno sa mga alegasyon, bakit hindi siya magsalita? Ang katahimikan ay tila pag-amin.”

Habang naghihintay ang publiko sa magiging tugon ng CIDG-NCR, lalo lamang tumitindi ang pagdududa sa integridad ng ilang miyembro ng kapulisan. Abangan! (Latigo Reportorial Team)

ALYAS RICKY GONZALES AT ALYAS BRENDON, NANGONGOLEKTA SA NGALAN NI PD GUZMAN!

PCOL DALMACIA AT PCOL MALINAO, TAHIMIK LANG KONTRA ILLEGAL GAMBLING?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"