PCOL MARLON QUIMNO, IPINANGONGOTONG NI ALYAS BEBET AGUAS?

METRO MANILA – Isang matinding panawagan ang inilabas ng grupong Anti-Crime and Vice Crusaders laban sa isang nagngangalang ALYAS BEBET AGUAS na umano’y ginagamit ang pangalan ni PCOL MARLON QUIMNO ng Criminal Investigation and Detection Group – National Capital Region (CIDG-NCR) sa koleksyon ng lingguhang “lagay” mula sa mga operator ng iba’t ibang illegal na aktibidad.
Ayon sa mga reklamo, si BEBET AGUAS ay umiikot sa mga tinaguriang “vice den” sa Metro Manila, bitbit diumano ang pangalan ng opisyal upang makapaningil sa mga operator ng sugal, club cum sex den, at mga sindikatong sangkot sa oil pilferage at iba pang ilegal na gawain. Kapalit daw ng lingguhang padulas, hindi umano sila gagalawin ng CIDG.
Hindi lamang mga ilegalista ang nakakaalam ng galawan ni BEBET AGUAS, kundi maging ilang miyembro ng kapulisan at mga residente sa lungsod. Ayon sa impormante, lumutang umano si Aguas mahigit isang buwan na ang nakalilipas at agad nitong nilapitan ang mga financier ng mga sugalan gaya ng jueteng, sakla, color games sa peryahan, at mga pasugalan na ginagamit ding front ng drug dealing.
Lalong naging usap-usapan si BEBET AGUAS matapos mapabalitang siya rin ang “bagman” ng CIDG-NCR at padrino ng kilalang night club cum sex den na King & Queen (dating Titan Z) na matatagpuan sa Hobbies of Asia, Macapagal Boulevard, Pasay City.
Mariing kinondena ng Anti-Crime and Vice Crusaders ang paggamit ng pangalan ni PCOL Quimno sa ganitong klase ng kalakaran. Nanawagan ang grupo na agad kasuhan at ipaaresto si Bebet Aguas upang maprotektahan ang integridad ng CIDG-NCR.
Mariing tanong ng publiko, Ano na ang ginagawa ni PCOL MARLON QUIMNO? Bakit tila naglipana na ang ilegal na aktibidad sa kabila ng kanyang liderato sa CIDG-NCR? May aksyon ba o tuluyang magbubulag-bulagan?
PCOL Quimno, galaw-galaw po!
Matagal na natin kinakalampag ang tanggapan ni PCOL MARLON QUIMNO, ngunit hanggang ngayon ay wala pa rin itong aksyon. Abangan ang susunod na isyu. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

PAMAMAHAGI NG LIBRENG GAMOT NI JAD RACAL, TULOY-TULOY PA RIN!

PCOL GUZMAN, IDINADAWIT SA ILLEGAL GAMBLING!