PCOL GUZMAN, TAHIMIK SA PANAWAGAN KONTRA ILLEGAL GAMBLING SA TARLAC?

TARLAC — Lumalalim pa ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng ilang lokal na opisyal sa lalawigan ng Tarlac kaugnay ng umano’y pagkakasangkot nila sa malawakang operasyon ng ilegal na pagsusugal.

Matapos mailantad ang mga pangalan ng mga bayan tulad ng Capas, Concepcion, Paniqui, at Tarlac City na tinukoy bilang sentro ng mga saklaan at pergalan, may panibagong impormasyon na inilabas ng aming source.

Ayon sa kanya, nadaragdagan pa ang mga bayang sangkot sa operasyon ng ilegal na sugal, at ang modus operandi ay pare-pareho: may lingguhang payola, hati-hating kita, at direktang kasosyo sa sugalan ang ilang Mayor at tauhan ng lokal na pamahalaan.

Sa kabila ng mas lalong lumalawak na iskandalo, diumano`y nananatiling tikom ang bibig ni Tarlac Provincial Director PCOL Miguel Guzman. Ilang ulit na sinubukang kunan ng pahayag ang opisina nito pero wala pa ring inilalabas na opisyal na tugon. Nagtataka ang maraming mamamayan kung bakit tila hindi nababahala ang opisyal sa patuloy na pagsangkot ng kanyang nasasakupan sa ilegal na aktibidad.

Kung totoo ang lahat ng ito, may pananagutan si Guzman. Kung hindi niya ito kayang solusyunan, dapat lang na magbitiw siya sa puwesto,” wika ng isang residente ng Paniqui na tumangging magpakilala dahil sa takot.

Ayon pa kay alyas Phyton, bukod sa regular na koleksyon ng payola mula sa mga sugalan, may umiiral pang “VIP list” umano ng mga opisyal na may fixed na porsyento sa kita ng bawat bayan. Maging ang ilang barangay chairman at pulis ay kasali umano sa hatian.

Hindi na ito simpleng sugal. Isa na itong organisadong hanay ng mga tiwaling opisyal na ginagamit ang kanilang kapangyarihan para kumita,” dagdag pa niya.

Umuugong na rin ang panawagan mula sa mga mamamayan na dapat nang magsagawa ng top-to-bottom investigation ang PNP National Headquarters. Hinihiling ng publiko na kung hindi aaksyon si PCOL Miguel Guzman, dapat siyang sibakin at palitan ng mas may malasakit sa batas at kapakanan ng mamamayan.

Samantala, tahimik rin ang kampo ni PBGen. Jean Fajardo, Regional Director ng PNP, sa gitna ng panawagang agarang imbestigasyon at shake-up sa buong hanay ng kapulisan sa Tarlac.

Abangan ang susunod na bahagi. (Latigo Reportorial Team)

PCOL DALMACIA AT PCOL MALINAO, MANHID NGA BA SA SANDAMUKAL NA SUGAL?

AGARANG PAGSASAAYOS NG BUSTOS DAM, PANAWAGAN NI FERNANDO

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"