PCOL DE GUZMAN, KALADKAD MALALA KAY ALYAS BRENDON DELA ROSA!

TARLAC — Mas lalong lumalalim ang kontrobersiyang kinasasangkutan ni ALYAS BRENDON DELA ROSA matapos lumutang ang ilang dating gambling operator at media personalities upang ibunyag ang diumano’y matagal nang sistemang ‘tara’ sa lalawigan.

Ayon sa isang dating operator ng iligal na sugal sa bayan ng Capas na humiling na huwag pangalanan, personal umano siyang kinolektahan ni Dela Rosa ng halagang umaabot sa P10,000 kada linggo, kapalit ng “proteksyon” mula sa mga operatiba ng pulisya.

Malinaw ang paggamit ni BRENDON DELA ROSA sa mga iligalista na kung hindi sila magbibigay, ipapasara ang puwesto nito,” ani ng ating source.

Ibinunyag rin ng isa sa mga dating kasamahan sa media na ginamit umano ni Dela Rosa ang pangalan ni PCOL DE GUZMAN upang makapangikil.

Pumunta yan dito sa amin last week para lang makumbinsi ang isang operator sa Victoria na diumano siya ay ‘authorized’ mangolekta” wika ng source.

Samantala, nananawagan na ngayon ang ilang sektor sa Tarlac na magsagawa ng imbestigasyon ang Tarlac PPO ukol sa diumano’y pagkakasangkot ni PCOL MIGUEL DE GUZMAN sa mga transaksiyon nitong si ALYAS BRENDON DELA ROSA. May panawagan din me na ipasara ang mga iligal na pasugalan sa nasabing lalawigan upang maipakita ang katapatan ng opisyal ukol sa nabanggit na reklamo. gayundin na dapat ay mapakulong at maipadampot ang dimuhong bumubukol sa ngalan ni PCOL DE GUZMAN.

Hindi dapat balewalain ito. Kung may mga ebidensya, dapat ay agad itong aksyunan. Hindi pwedeng hayaan lang ang ganitong kalakaran,” pahayag ng isang residente sa lungsod ng Tarlac.

Habang papalapit ang NATIONAL & LOCAL ELECTION, nananawagan ang mga mamamayan na panatilihin ang integridad ng kapulisan at ng media, na inaasahan ng publiko bilang tagapagtanggol ng katotohanan at katarungan.

Patuloy naming tututukan ang kasong ito sa mga susunod na linggo. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

BUSTOS DAM LEAK, HINDI MAGDUDULOT NG PAGBAHA SA LALAWIGAN – GOB. FERNANDO

LAGUNA AT BATANGAS, RAMPANT PA RIN ANG ILLEGAL GAMBLING!