PCOL DALMACIA AT PCOL MALINAO, MANHID NGA BA SA SANDAMUKAL NA SUGAL?

CALABARZON — Hindi pa rin humuhupa ang usapin ukol sa talamak na operasyon ng mga iligal na sugal sa mga lalawigan ng Laguna at Batangas. Sa kabila ng sunod-sunod na ulat at matinding panawagan mula sa mga mamamayan, nananatiling tila walang pakialam sina PCOL Ricardo Dalmacia ng Laguna Police Provincial Office at PCOL Jacinto Malinao ng Batangas Police Provincial Office.

Sa mga panibagong sumbong ng mga residente, lumalabas na mas dumami pa ang mga sugalang patuloy na umiiral sa ilalim ng mga peryahan. Sa Laguna, mas pinatatag umano ang operasyon ng “drop ball,” “baraha,” at iba pang sugal sa mga lungsod ng Cabuyao, Biñan, at San Pedro. Ang mga alyas na Judith, Baby P., at Edu ay patuloy umanong nangunguna sa pamumuno ng mga aktibidad, kasabwat pa umano ng ilang opisyal ng pulisya.

Hindi mo na kailangang mag-imbestiga. Sa mismong harap ng mga barangay hall nagaganap ang sugalan. Ano pa ang dahilan nila para sabihing wala silang alam?” ani ng isang ginang mula Santa Rosa.

Samantala, mas hayagan at mas mapangahas ang eksena sa Batangas. Ayon sa mga residente, halos araw-araw ay may pa-ilaw at pa-musika pa ang mga peryahang ginagawang sugalan sa San Juan at Lipa. Nakababahala rin ang ulat na may mga kabataan, edad 12 pababa, na nahuhumaling na rin sa pagsusugal—tila wala nang hadlang sa pagbagsak ng moralidad at disiplina sa mga komunidad.

Ang bata, imbes na nasa bahay, nasa sugalan na. Anong klase ng kinabukasan ang inihahanda natin?” tanong ng isang guro mula Balayan.

Sa gitna ng ganitong sitwasyon, muling lumutang ang alegasyon ng sistemang “tara” — isang bayarang kalakaran kung saan lingguhan umanong tumatanggap ng pera ang ilang ang tanggapan nina PCOL MALINAO AT PCOL DALMACIA maging mga tauhan ng kapulisan mula sa mga operator. Sa ilalim ng sistemang ito, nabibili umano ang katahimikan at proteksyon, habang ang batas ay nananatiling inutil.

Muli, nananawagan ang mga mamamayan kay PNP Regional Director PBGEN Paul Kenneth Lucas at sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na suriin ang katahimikan ng mga provincial director at kung kinakailangan ay agad na i-relieve sina Dalmacia at Malinao sa pwesto upang bigyang-daan ang masinsinang imbestigasyon.

Hindi kami titigil hangga’t hindi sila napapanagot. Kung hindi sila sangkot, bakit wala silang ginagawa? Ilan pa bang bata ang kailangang mahumaling sa sugal? Ilang pamilya pa ang kailangang masira?” giit ng isang residente ng San Pascual.

Hanggang kailan kaya magiging manhid ang tanggapan nina PCOL MALINAO AT PCOL DALMACIA sa hinaing ng mga mamamayan? Abangan (Latigo Reportorial Team)

JAD RACAL TO THE RESCUE

PCOL GUZMAN, TAHIMIK SA PANAWAGAN KONTRA ILLEGAL GAMBLING SA TARLAC?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"