PCOL ARIEL RED AT MGA HEPE NITO TONGPATS SA TALAMAK NA SAKLAAN SA CAVITE?

CAVITE – Mas lalong umiinit ang usapin kaugnay ng umano’y talamak na operasyon ng mga saklaan sa Tanza, Cavite City at Dasmariñas, kung saan muling lumulutang ang pangalan ng mga operator na sina alyas BONI at KOSA sa Tanza, alyas ZALDY sa Cavite City, at alyas JUN LAGO sa Dasmariñas. Ayon sa bagong mga ulat, nananatiling aktibo ang kanilang mga “untouchable” na operasyon kahit na naging laman na ito ng mga reklamo mula sa mga residente.

Muling idinadawit sa isyu si PCOL ARIEL R. RED, Provincial Director ng Cavite, na sinasabing malapit umano sa mga operator at diumano’y nagbibigay ng proteksiyon kapalit ng lingguhang lagay. Gayundin, muling nababanggit ang pangalan nina PLTCOL JOVEN T. BAHIL ng Tanza, PLTCOL SOCRATES JACA ng Cavite City, at PLTCOL REGINO OÑATE ng Dasmariñas, na sinasabing nakikinabang umano mula sa mga pasugalan sa kani-kanilang lugar.

Binibigyang-diin ng ilang grupo ng mamamayan na dapat magsagawa ng masusing imbestigasyon ang Regional Director na si PBGEN. KENNETH LUCAS upang linisin ang mga nabanggit lugar sa kaniyang AOR na pinamumunuan ng mga diumanoy tiwaling opistal at tuluyang ipasara ang mga saklaan na patuloy na sumisira sa kabuhayan ng maraming Caviteño. Nanawagan ang mga residente sa pamunuan ng Cavite Police Provincial Office na ipakita ang kanilang sinseridad sa paglaban sa ilegal na sugal.

Nagdududa pa rin sa ngayon at iginiit ng mga nagrereklamo na higit na kailangan ngayon ang konkretong aksyon upang mahinto ang pagkalat ng sugal na sakla sa lalawigan.

Habang wala pang malinaw na hakbang mula sa mga opisyal, nananatiling bukas ang publiko na marinig ang kanilang panig — ngunit sa bawat araw na lumilipas na walang malinaw na tugon, mas lumalakas ang hinalang baka may katotohanan ang mga ibinubunyag laban sa kanila.

Spread the love

PCUP AT PRA, NAGKAISA PARA SA URBAN POOR

PCOL SIBALO, NO PRESSURE SA MGA PANAWAGAN KONTRA ILLEGAL GAMBLING SA BATANGAS?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"