PCO at CICC, Nagkaisa Laban sa Fake News

LUNGSOD NG MAYNILA — Lumagda sa isang kasunduan ang Presidential Communications Office (PCO) at ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) nitong Huwebes upang labanan ang lumalalang problema ng fake news at maling impormasyon. Ayon kay PCO Secretary Jaybee C. Ruiz, paiigtingin ng ahensya ang kampanya laban sa disimpormasyon sa pamamagitan ng isang “whole-of-government approach.” Kasama rin sa inisyatiba ang Scam Watch Pilipinas, isang pambansang cybersecurity movement na layong turuan ang mga Pilipino tungkol sa cyber fraud at palakasin ang seguridad sa antas ng komunidad.
Bilang bahagi ng kampanya, inatasan ng PCO ang lahat ng kaugnay nitong ahensya na magtalaga ng fact-checking officers upang mapalakas ang mekanismo laban sa maling impormasyon. Nakipagtulungan din ang PCO sa VERA Files para sa pagsasanay sa fact-checking, habang inilunsad naman ang Media and Information Literacy Campaign upang turuan ang kabataan sa wastong pagsusuri ng impormasyon. “Ang laban sa fake news ay laban ng ating henerasyon. Dapat tayong magkaisa upang manaig ang katotohanan,” ani Ruiz.
(Bernadette Endonela)

Spread the love

Higit 1,600 Patay sa Matinding Lindol sa MYANMAR

Panukalang Pension para sa mga OFWs, Isusulong ni Erwin Tulfo