PATAY SA 18 KASO NG PAGKALUNOD AYON SA PNP

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng kabuuang 18 kaso ng pagkalunod sa iba’t ibang bahagi ng bansa, kung saan 15 sa mga biktima ang nasawi, ayon sa ulat na inilabas nitong Linggo ng Pagkabuhay, Abril 20, 2025.
Batay sa ulat, siyam sa mga biktima ay nasa hustong gulang, habang ilan naman ay mga menor de edad. Ang mga insidente ng pagkalunod ay naitala sa mga rehiyon ng Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Dahil sa serye ng mga insidente, nanawagan si PNP chief Gen. Rommel Marbil sa publiko na maging mapagmatyag at handa upang maiwasan ang mga ganitong trahedya.
“These heartbreaking incidents are a painful reminder of how quickly accidents can happen. I am appealing to everyone: never leave minors unattended near water, always wear life vests when necessary, and avoid swimming in areas without lifeguards or safety supervision,” ani Marbil.
Muling iginiit ng PNP ang kahalagahan ng pag-iingat lalo na ngayong panahon ng tag-init, kung kailan dagsa ang mga tao sa mga ilog, dagat, at iba pang paliguan. (MJ Espeña)

Spread the love

IWAS-IWASAN ANG DRAMA SA KAMPANYA, LINGKOD BAYAN KAYO HINDI ARTISTA!

PATULOY NA SEGURIDAD SA GITNA NG PAGBABALIK-BIYAHE – NCRPO