PASAWAY NA DRIVER ‘HINDI SAKOP NG ZERO BALANCE BILLING – DOH

KABAYAN hindi daw pagkakait sa karapatan at benepisyo ang inilalatag na panuntunan o patakaran ng pamahalaan sa halip isang uri ito ng pagdisiplina sa mga kalsada.

Nais ng ahensya na iiwas ang mga motorista at mga rider sa kapahamakan at hindi daw pagdadamot.

Mga igan, yan ang pagdepensa ng pamahalaan makaraang lina­win na hindi pasok sa zero balance billing ang mga maaaksidente na luma­bag sa batas trapiko.

Kabilang na ang hindi pagsusuot ng helmet, walang seatbelt o naka­inom ng alak.

Nitong nakaraang araw sinabi sa isang Press Conference ni Health Secretary Ted Herbosa,na layon daw ng paghihigpit na mapababa ang bilang ng mga biktima ng road crash sa bansa pagsapit ng 2028.

Habang target din daw na mapababa ng 50 porsiyento ang road traffic deaths at mga injury sa loob ng susunod na 30 taon.

Maganda ang mga naman ang adhikain ng ahensya, patungkol sa pagpapahalaga sa buhay at ari-arian ng publiko.

Batay kasi sa datos, nasa 35 ang namamatay kada araw dahil sa aksidente sa kalsada o katumbas ng nasa 13,000 ang buhay na nawala dahil sa road crashes noong 2023.

Nararapat ang kahalintulad ng paghihigpit upang sa kapakanan ng lahat tama naman ang kalihim sa kanyang mga tinuran sa Press Conference dahil isa lang buhay dapat talagang ingatan.

Pero teka ibig sabihin ba nito yong mga mapatutunayan na biktima ng aksidente lamang ang walang babayaran sa pampublikong pagamutan?

Sa pagkakaalam nang publiko pananagutan ng Estadong ito ang kahalagahan sa pagbibigay ng proteksyon sa buhay ng bawat isang filipino,lalo na sa katahimikan at mapayapang kumunidad.

Isang tanong pa ng publiko mga igan, para saan ba ang binabayarang kontribusyon ng mga filipino tulad ng Philhealth,?

Kungmagiging selective ang gobyerno sa usapin ng pangangalaga sa kalusugan ng bawat mamamayan, para saan ang milyong pisong pondo na nalilikom mula sa Philhealth.

Hindi pa kasama dyan ang bilyong pisong taxes na binabawas ng pamahalaan sa higit isang daang milyong filipino.

At sa huli malalaman mo mga igan, ninanakaw lamang pala ng ilang mga kawani ng pamahalaan, at ipinangsususgal pa habang lubog sa baha at kahirapan nang mga pinoy.

Well sa dami ng mga pangyayari,dapat tayo’y maging mapagmatyag sa galaw ng ating lipunan at huwag naman sanang mauwi sa pagkakawatak-watak ng mga Filipino dahil lamang sa pagiging ganid at sakim sa kwarata at kapangyarihan ng ilan.

 

**

 

MGA BAYANING OFW DAPAT MAG-INGAT SA PAGTATRABAHO SA IBANG BANSA.

 

MGA igan, kamakailan lamang nanawagan ang pamahalaan sa mga Overseas Filipino Worker[OFWs] sa iba’t ibang panig ng mundo na maging maingat sa araw-araw nilang paghaha­napbuhay upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanilang pamilya sa Pilipinas.

Sa ibang bansa kasi puno,ng pagsasakripisyo at pakikisama ang OFWs sa ibang lahi, upang mairaos ang kanilang araw-araw na hanap-buhay.

Ang totoo halos 100% porsyenro umaasa sa kanila ang mga pamilyang naiwan nila sa Pilipinas, partikular sa kanilang suporta kaya hangad ang kanilang maayos na kalusugan.

Ang paalala ng Department of Migrant Worker,o [DMW] na ang pag-iingat ay hindi lamang sa sitwasyon ng kanilang lugar gayundin ang laban sa mga sumi­sibol na sakit.

Kasunod nito, mga igan, nag-abiso ang Philippine Embassy sa Qatar maging sa mga Pilipino sa Iraq para makapag-ingat sa kumakalat na virus doon.

Partikular na tinukoy ng embahada ang pagkalat ng virus na “Crimean-Congo hemorrhagic fever” kung saan may panibago na namang kasong naitala sa northern Iraq.

Base sa datus ngayong taon ng 2025, nasa 233 kaso na ng virus ang naitala sa buong Iraq.

Habang umabot sa 35 katao ang kabuoan ng bilang na nasawi na sa natu­rang virus sa Iraq, kaya importante ang ibayong pag-iingat nang mga bayaning Ofw’s sa Gitnang Silangan at karatig bansa.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon magsend lamang sa thony.arcenal@gmail.com

Spread the love

MAPALAD ANG BANSA NA ANG DIYOS ANG PANGINOON.” – AWIT 33:12

DILG SEC REMULLA HANDA HUMARAP SA IMBESTIGASIYON UKOL SA “GUN PURCHASE ISSUE” SA PNP

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"