Bagama’t tapos na ang halalan, hindi pa rin natatapos ang serbisyo publiko ni Jad Racal para sa mga Bulakenyo. Sa kabila ng natapos na kampanya, tuloy-tuloy pa rin ang kanyang pamamahagi ng libreng gamot sa mga nangangailangan, lalo na sa mga may maintenance na gamutan at iba pang medikal na pangangailangan.
Bahagi ito ng matagal nang adbokasiya ni Racal na palakasin ang programang pangkalusugan sa kanyang distrito.
Aniya, “Ang serbisyo ay hindi natatapos sa eleksyon. Ang tunay na malasakit ay walang pinipiling panahon.”
Ayon sa kanyang mga volunteer, regular pa ring isinasagawa ang pamimigay ng gamot sa BUILDERS ANGAT, kung saan inaabot ng mga benepisyaryo ang tulong medikal na hindi na kayang abutin ng kanilang bulsa.
“Malaking bagay ito para sa akin, Dati ay tinitiis ko na lang dahil mahal ang gamot” ani Aling Rosa, 65 taong gulang, na may iniindang altapresyon.
Paalala ng grupo ni Racal sa mga nais humingi ng tulong, siguraduhing may dalang reseta mula sa lisensyadong doktor upang masigurong tama ang gamot na ibibigay at maiwasan ang anumang posibleng komplikasyon.
Sa gitna ng mga hamon, nananatiling inspirasyon si Jad Racal sa mga mamamayan ng Bulacan sa pagpapakita ng tunay na diwa ng serbisyo – ang tumulong kahit wala sa posisyon. Patunay lamang na ang tunay na lider ay hindi tumitigil sa pagtupad ng pangakong serbisyong may puso.(Latigo Reportorial Team)
