PAGPAPATIGIL SA ONLINE GAMBLING, TUTUKAN NG SENADO!

Kapuri-puri ang paninindigan ni Senator Erwin Tulfo na manguna sa imbestigasyon at magtulak sa tuluyang pagbabasura ng online gambling sa bansa. Sa wakas, naririnig na ang matagal nating panawagan na mapahinto itong sumisira sa buhay ng napakaraming Pilipino.

Matagal nang bukas na sikreto na ang ganitong uri ng sugal ay walang idinudulot kundi pagkawasak—mula sa mga manggagawang nauubos ang sahod sa isang pindot lang, hanggang sa mga kabataang nalululong sa ilusyon ng “easy money.” Tama si Tulfo: kung masama na ang nangyayari, bakit pa natin ito papayagan?

Hindi na sapat ang mahigpit na regulasyon kung ang mismong kalikasan ng online gambling ay patuloy na magbubukas ng pintuan para sa pagkasira ng pamilya, pagkabaon sa utang, at paglaganap ng krimen na kaakibat nito. Oo, may mga nagsasabing malaki ang kita ng gobyerno mula sa buwis at lisensya, pero anong halaga ng bilyon-bilyong piso kung kapalit ay sirang buhay, broken families, at lumalalang adiksiyon?

Ang kita mula sa sugal ay parang alak sa sugat—akala mo’y lunas, pero lalo lang nagpapalala sa sakit. Kailangan ng aksyon na hindi puro salita. Kung magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado, dapat ito ay humantong sa konkretong pagbabawal, hindi sa kompromiso na para bang buhay ng tao ay pwedeng ipagpalit kapalit ng kita.

Kung sa ibang bansa ay kayang ipagbawal ang online gambling para protektahan ang kanilang mamamayan, bakit tayo magbubulag-bulagan? Panahon na para patunayan ng pamahalaan na kakampi ito ng mamamayan at hindi ng industriya ng bisyo. (DJ Gealone)

Spread the love

DESISYON NG SC UKOL SA IMPEACHMENT VS. VP SARA, PAG-UUSAPAN SA SENADO

WOMEN EMPOWERMENT AT GENDER EQUALITY, PRAYORIDAD NI PCUP CHAIRMAN GONZALES

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"