PAALAM POPE FRANCIS!

Alam mo, kaibigan, habang sinusulat ko ito, dama ko pa rin ang lungkot sa balita na si Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos ay nasa Vatican na. Hindi lang sila basta bumisita — sila mismo ang nagrepresenta sa buong sambayanang Pilipino para makidalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis. Kanina sa St. Peter’s Square, nagsimula na ang Funeral Mass para kay Pope Francis. Ang daming tao — mga pinuno ng iba’t ibang bansa, mga deboto, mga ordinaryong mananampalataya — nagsama-sama para bigyang pugay ang isang lider na hindi lang naging Santo Papa, kundi naging simbolo ng kababaang-loob, serbisyo, at katarungang panlipunan. Sabi nga ng Malacañang, umalis sina Pangulo at First Lady noong Huwebes, April 24, para magdala ng ating mga dasal at pakikiramay. Hindi natin makakalimutan si Pope Francis — ang kanyang malasakit sa mga mahihirap, ang kanyang boses para sa mga naaapi, at siyempre, ang kanyang makasaysayang pagbisita dito sa Pilipinas noong 2015. Bilang pinakamalaking bansang Katoliko sa Asya, ramdam natin ang bigat ng pagkawala niya. Pero higit sa lahat, ipinagdiriwang din natin ang kanyang naging buhay — isang buhay na inalay sa pagmamahal, pagkalinga, at tunay na paglingkod. Paalam, Pope Francis. Salamat sa pagmamahal mo sa amin. (Grace Batuigas)

LIBRENG LEGAL AID SA KAPULISAN, HANDOG NG MALAKANYANG!

AUTOMATED COUNTING MACHINE, HINDI DAPAT NAKA-CONNECT SA INTERNET SA ORAS NG PAGBOTO!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"