NSPC 2025: KUWENTO, KATOTOHANAN, AT KABATAAN

VIGAN – Ibang klase talaga ang sigla sa Vigan nitong mga nakaraang araw—parang pista ng talino at talento ng kabataang Pilipino. Isipin mo, mahigit 5,000 campus journalists at talents mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa ang nagtipon-tipon para sa 2025 National Schools Press Conference (NSPC) at National Festival of Talents (NFOT). Hindi lang ito simpleng paligsahan—ito ay isang makulay na selebrasyon ng kwento, kultura, at kinabukasan.

Pero teka, ang pinaka-highlight? Siyempre, si Jessica Soho—hindi pop star, hindi artista, pero pinaghiyawan at pinagkaguluhan parang concert! Aba, hindi mo nga mapapansin kung presscon o fan meet na ang nangyayari eh. Iba kasi ang dating ni Ma’am Jess. Hindi lang siya broadcaster, isa siyang inspirasyon.

Kuwento na may saysay

Ang daming sinabi ni Jessica Soho, pero ang pinaka-tumatak sa akin? “Truth still matters.” Sa panahong halos lahat may opinyon at ang tsismis ay kasing bilis na ng trending tweet, paalala ni Soho na mahalaga pa rin ang katotohanan. Hindi sapat ang narinig mo lang—kailangan i-fact-check, i-cross-check, at kung kaya mo, mismo sa pinanggalingan ng balita kumuha ng impormasyon.

Kung campus journalist ka, ‘wag mong gawing basehan ang “sabi ni Marites.” Dapat, sabi ni first-hand witness!

Hindi lang basta kwento, kwentong may impact

Aminin natin—lahat tayo may cellphone, lahat tayo kayang gumawa ng content. Pero ang tanong ni Soho: “Ang kwento mo ba, may epekto? May saysay? May sustansya?” Hindi ‘yung basta lang nag-viral, kundi ‘yung naiwan sa isipan at damdamin ng tao. Kaya ‘wag lang gumawa ng ingay, gumawa ng kabuluhan.

Laban sa sensationalism

Napansin mo rin ba? Minsan, para lang mapansin, ginagawang OA ang balita. Pero sabi ni Soho, journalism is not about being loud—it’s about being fair, factual, and firm. Hindi dapat puro sigawan, dapat may bigat at lalim ang kwento.

Huwag kalimutan magbasa

Isa sa pinaka-simple pero pinaka-matinding advice ni Ma’am Jess: Magbasa. Kahit pa daw ‘yung diyaryong pinambalot ng tinapa. Sa pagbabasa ka huhugot ng ideya, perspektiba, at mas malalim na pag-unawa sa mundo. Kaya kung campus journalist ka—basa muna bago post, research muna bago react.

Gamitin ang digital sa kabutihan

Bilang Gen Z (o malapit-lapit na), digital native na tayo. Pero paalala ni Soho: “Use technology for good.” Hindi lang para sa memes o pa-viral videos. Gamitin ito para itama ang mali, ituro ang totoo, at itaguyod ang makatarungan.

At higit sa lahat: Maging mabuti

Sa huli, ang pinaka-diin ni Soho: Maging mabuting tao. Hindi lang mahusay na writer, hindi lang matalinong content creator. Kundi mabuting mamamahayag, mabuting mamamayan.

Walang bullying. Walang body shaming. Walang fake news.

At ang linya na lagi niyang inuulit? “Dapat Tama.”

Ang bagong bayani? Campus journalist

Ngayong may tema ang NSPC na “Empowering Filipino Youth: Unleashing Potentials in Journalism and Creative Industries in the Era of AI,” malinaw ang mensahe: kayong mga kabataan ang tagapagdala ng katotohanan sa panahong laganap ang disinformation. Hindi kayo basta estudyante lang—kayo ang boses ng hinaharap.

Kaya kung ikaw ay isang campus journalist na nagbabalak magsulat, mag-feature, mag-anchor, o mag-post sa blog mo—isipin mo ito: May kapangyarihan ang bawat titik at salita mo. Gamitin mo ito, hindi lang para magpatawa o magpakilig, kundi para magmulat, magtama, at magpabago.

At kung may isang aral kang baunin mula sa buong NSPC experience na ito, sana ito ‘yon:

Hindi ka lang taga-kuwento. Isa kang tagapagbago.

Tandaan, dapat totoo. Dapat patas. Dapat tama. At higit sa lahat, dapat mabuti. (DJ Gealone)

SA MATA NG BATAS!

ARNEL IGNACIO, SIBAK BILANG OWWA ADMINISTRATOR!

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"