NHA, DA, LUMAGDA SA KASUNDUANG ILAPIT ANG MURANG SUPLAY NG PAGKAIN SA MGA BENEPISYARYO

Mga katoto sadyang matindi ang paglingap na pamamaraan para sa bayan ang pagsisikap ng butihing Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maisakatuparang ang pangakong maibaba ang halaga ng suplay ng pagkain sa bansa kung saan hindi lamang sa mga pabahay at lupa na noon pa nasimulan ang direktibang iniatang kay katotong NHA General Manager Joeben Tai.
Sa ganitong paraan lumagda ang National Housing Authority (NHA) at Department of Agriculture (DA) sa isang Memorandum of Understanding (MOU) noong Marso 20, 2025, upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng mga produktong agrikultural sa piling resettlement sites ng NHA.
Layunin mga katoto ng kolaborasyong ito na palakasin ang seguridad sa pagkain at isulong ang sustainability habang tinutugunan ang mga hamon sa sektor ng agrikultura. Ang inisyatibang ito ay bahagi ng KADIWA ng Pangulo (KNP) Program na sumusuporta sa layunin ng administrasyon ni katotong Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matulungan ang mga magsasaka na direktang maibenta ang kanilang produkto sa mga mamimili.
Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga katotong magsasaka, mangingisda, maliliit na negosyante, at mamimili, nagbibigay ang KADIWA Program ng sariwa at lokal na ani sa abot-kayang presyo.
Kinatawan ng NHA si katotong General Manager Joeben Tai, habang kinatawan naman ng DA si katotong Kalihim ng Agrikultura Francisco P. Tiu Laurel Jr.
“Bilang General Manager ng National Housing Authority, ipinagmamalaki ko pong patunayan ang dedikasyon ng NHA sa programang ito. Kinikilala namin ang kaginhawaang dulot ng KADIWA sa ating mga komunidad at sa buong bansa,” ani GM Tai.
Pinasalamatan din ni katotong GM Tai ang DA dahil sa suporta nito sa misyon na madala ang serbisyo ng pamahalaan sa mga resettlement site. “Maraming salamat din sa Department of Agriculture sa pakikiisa sa misyon na gawing accessible ang ating serbisyo sa mga benepisyaryo ng pabahay,” dagdag ni GM Tai.
Binigyang-diin din ni katotong GM Tai na ang KADIWA ay naging mahalagang bahagi ng bawat NHA People’s Caravan upang matiyak na direktang nakikinabang ang mga komunidad sa mga inisyatiba ng programa.
Dumalo rin sa pagpirma sina katotong NHA Assistant General Manager Alvin S. Feliciano, Community Support Services Department katotong OIC Donhill V. Alcain, Assistant Secretary for Agribusiness, Marketing, and Consumer Affairs, at KADIWA Program Head Atty. Genevieve Velicaria-Guevarra.
Para sa pagpupunyagi na malutas ang suliranin na maibaba ang halaga ng suplay na pagkain sa bansa ni katotong PBBM, Mabuhay tayong lahat mga katoto!!!

Spread the love

DRY SEASON O TAG-INIT, RAMDAM NA NG MGA FILIPINO

LATIGO APRIL 14-20, 2025 ISSUE