NEGOSYANTENG SI ANSON QUE, BRUTAL NA PINASLANG SA KABILA NG P100M RANSOM

Sa kabila ng tatlong beses na pagbabayad ng ransom na halos umabot sa P100 milyon, natagpuang wala nang buhay ang negosyanteng si Anson Que at ang kanyang driver sa gilid ng kalsada sa Rodriguez, Rizal. Ayon sa mga awtoridad, may palatandaan ng pananakal at brutal na pagpatay sa mga biktima. Huling nakita sina Que noong Marso 29, at kinabukasan ay humingi na ng tulong sa PNP Anti-Kidnapping Group ang kanyang pamilya. Dahil sa insidente, agad na inalis sa puwesto si AKG chief Police Brigadier General Elmer Ragay dahil sa umano’y kakulangan sa aksiyon.
Hindi naniniwala ang pulisya na isang ordinaryong kidnap-for-ransom ang nangyari, kaya’t binuo na ang Special Investigation Task Group upang masusing imbestigahan ang kaso. Kasama sa mga sinusuri ang posibleng koneksyon nito sa POGO operations at ang posibleng pagkakasangkot ng parehong Pilipino at Chinese nationals.
Buo ang suporta ng pamilya Que sa imbestigasyon ng PNP, habang nananawagan ang Movement for Restoration of Peace and Order ng agarang aksyon mula sa pamahalaan upang matigil ang patuloy na karahasan sa bansa.. (Bernadette Endonela)

Spread the love

LATIGO APRIL 14-20, 2025 ISSUE

KALANSAY NG NAWAWALANG DALAGITA, NATAGPUAN SA TAGUM CITY