MSRP TUGON NG PAMAHALAAN SA MGA CONSUMERS..

Porsigido ang gobyerno na proteksiyonan ang kapakanan ng mga consumers at pigilan ang pagtaas sa presyo ng pangunahing bilihin lalo na ang pagkain.

Dahil dyan mara­ming measure ang ginagawa ng pamahalaan tulad na lamang ng P20 Rice Program at paglalatag ng maximum suggested retail price (MSRP) sa mga bilihin.

Inaasahan na ng publiko na magtatakda na rin ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price para sa manok ngayong darating na Setyembre.

Una nang sinabi ni DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa,na ipatutupad nila ito pagkatapos ng MSRP sa imported na baboy ngagong Agosto.

Layon nito na ma­bawasan ang epekto ng kakulangan sa suplay ng karne.

Tiwala din ni De Mesa na posibleng bumaba ang retail price ng manok matapos alisin ang temporary ban sa importasyon ng manok sa bansang Brazil.

***

FLATFORM NG AI,MABENTA SA MGA CONTENT CREATORS SA PINAS.

Kabayan marami ang natutuwa ngayon sa AI Generated Content dahil ang idol mong celebrity’s maaari nang maging kamukha.

Ang mga lugar na pangarap puntahan ay maaari nang makita kapag na-crop ang iyong larawan sa nais na background.

Pero ang ang latest, puwede kang maging instant celebrity at Songbird dahil ang iyong boses ay maaaring i-alter o pagandahin.

Sa paraan na entertainment para sa sarili, sadyang mara­ming pabor lalo na ang mga content creator, sa AI generation pero,dapat hinay-hinay lang tayo, Kasi ang mga scammer ay maaaring samantalahin ang tek­no­lohiya.

Sa totoo lang mismong si Philippine National Police (PNP) Chief, Gen. Nicolas Torre III ang nagsabi na malaking banta ang AI sa Pilipinas partikular na maaring maapektuhan nito ang mga kabataan.

Ayon sa opisyal makikipag-ugnayan na sila sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para tulungan sila sa paglaban sa AI sa social media.

Aniya, nakababahala na ang mga kumakalat na AI generated videos na target na rin ang prominente at matataas na lider ng bansa.

Dahil mismong si Pangulong Marcos Jr. ay biktima ng AI ge­nerated video na nagpo-promote ng investment platform.

Paalala ni PNP Chief, kapag may nag-alok ng instant yaman gamit ang AI, mag-isip ng ilang beses, dahil sa tunay na buhay, walang magbibigay ng yaman nang hindi pinagpapaguran.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com

TOTAL BAN SA ONLINE SUGAL, ISINUSULONG NI MIGZ ZUBIRI!

250 NA PABAHAY UNDER 4PH PROGRAM NG DHSUD

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"