Dahil sa patuloy na tumitinding pagbabago sa klima ng panahon,o climate change, dulot ng ibat-ibang polusyon,sa hangin at anyong tubig mula sa maitim na usok ng tanbutso, usok mula sa mga pabrika, at nakalalasong tubig na ibinubuga ng mga sutil na pabrika.
Maraming masamang dulot ito sa ating kalusugan at tulad ng pagkakasakit na nalalangahap mula sa hangin.
Kaya naman napapanahon ang pagkilos para sa pagtatanim ng milyong-milyong puno na isa sa panawagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR)
Kamakailan may mga puno na itinanim sa bahagi ng Upper Marikina River Basin Protected Landscape (UMRBPL) para maprotektahan ang mga komunidad.
Maging sa bahagi ng Brgy, Kalawakan sa bayan ng Doña Remedios Trinidad Bulacan ay libo-libong puno ng Narra at fruit bearing trees ang itinanim ng ibat-ibang Organisasyon katuwang ang mga katutubong Dumagat.
Layon nitong labanan ang polusyon sa hangin pagguho ng lupa at mga pagbaha sa panahon ng tagulan.
Mga igan, layunin ng DENR na itaas ang forest cover mula 24.99% sa 43% sa taong 2028, upang ma- rehab ang dating mga kalbong kagubatan sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Dapat kasi ang focus ay hindi lamang sa basta pagtatanim mahalaga rin na maalagaan at bantayan ng mga kumunidad kaya nga dapat ipatupad ang Tree planting and growing activity katuwang ang mga residente sa lugar.
Ang ating mga kagubatan at kabundukan ay tahanan ng mga endangered trees gaya ng narra at molave, pati na rin ng mga hayop gaya ng Philippine deer at native na ibon baboy ramo at reptile.
Samantala sakop ng UMRBP ang higit sa 26,000 ektarya sa Rizal kasama ang Antipolo City at mga bayan ng Baras, Rodriguez, San Mateo, at Tanay.
Ang mga lugar na yaon ay idineklarang protected area matapos ang pagbaha ng bagyong Ondoy noong 2009.
Sa datus ng ahensya kasama sa mga lugar na sakop ng restoration ang mga probinsiya ng Ilocos Norte, Rizal, Leyte, Bataan, Bukidnon, at Lanao del Norte.
Mga igan ang restoration ng ating kagubatan ay kailangan ng mabilis na pag-aksyon.
Bukod sa pagbabawal sa illegal logging dapatrin na ipagbawal ang mga illegal quarry operation na nagpapalala sa paguho ng lupa at pagbaha sa mga mababang lugar malapit sa mga quarry site.
Sa totoo lang mga igan, kaliwat-kanan pa rin ang illegal Quarry sa Rizal,Bulacan,Isabela Nueva Viscaya at ilan pa na lugar sa Norte na karaniwan ay minamanduhan ng ilang mga malapit na kamag-anak, kaibigan at kapatid ng isang Politiko sa lugar.
***
20% Vat na ipinataw ng Gobyerno
Sa may milyong pisong deposito sa bangko.
Maraming Pilipino ang nagulat nang lumitaw sa mga social media na babawasan ng 20% taxes ang lahat ng milyong piso naka-time deposit base sa batas na naipasa kamakailan.
Kabayan, may mga nag-share ng mga post ni DOF Sec Ralph Recto on the new law imposing the 20% final tax on all interest on savings under RA 12214 or the Capital Markets Efficiency Promotion Act (CMEPA) sa isang banda marami sa mga pinoy ay hindi apektado nito kasi hindi ka naman mayaman hek…hek….hek….
Marindi talaga ang epekto ng social media,lalo na kung hindi mo pa nababasa ang laman ng batas na inakda nila.
Malinaw pa sa ihi,ng manok ang mga apektado 20% tax? Yung mga mayayaman lang, mga naga-avail ng mga medium- to long-term investments on savings products like time deposits and Foreign Currency Deposits.
Partikular yaong mga nasa upper-middle, upper class and corporations, mga mayayaman o yong mga milyonaryo at bilyunaryo sa Pilipinas.
Igan, kung hindi ka naman apektado,wag Over Acting ha, dahil dyan wala pa rin po tax ang mga UITFs or mutual funds.
Kung matatandaan ninyo mga kabayan si Recto rin ang isa sa pasimuno ng 12%vat na malaking tulong sa pangangailangan daw ng mga filipino.
Igan, hindi lang si Ralph Recto ang nagsulong ng CMEPA Law, si Pres. Bongbong Marcos Jr. din ang pumirma at nagapruba sa batas na ito, na anila’y parusa sa mga oligarko, parusa sa mga mapang-abusong mayayaman.
Ang main sponsor naman ng batas na ito mga igan, ay si Senador, Win Gatchalian at si Rep. Joey Salceda mula naman sa House of Representatives.
Bueno aabangan nati ang susunod na kabanata,para sa inyong mga reklamo at reaksyon.mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com