MICHELLE ANNE GONZALES, BAGONG PCUP CHAIRMAN

From Commissioner to Chairman and CEO

MANILA — Pormal nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Michelle Anne Gonzales bilang bagong Chairperson ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP), isang ahensyang nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga maralitang lungsod.

Nanumpa si Gonzales sa Malacañang nitong Biyernes sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin. Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang kanyang appointment noong Hulyo 18. Pinalitan niya si dating Chairperson Meynardo Sabili, na nagbitiw sa puwesto noong nakaraang buwan.

Hindi na bago sa PCUP si Gonzales, dahil nagsilbi na siya bilang isa sa mga commissioner ng ahensya bago italaga bilang pinuno nito. Bukod sa karanasang ito, naging konsehal din siya ng ikalawang distrito ng Taguig mula 2010 hanggang 2016.

Malawak din ang karanasan ni Gonzales sa pribadong sektor, kabilang na ang pagiging corporate secretary ng MTQ Mary the Queen Trading Corp., administrator ng SH Holidays and Travel Corp., vice president ng Ramoso Realty Corp., at treasurer ng Balram Commercial and Development Corp.

Nagtapos si Gonzales ng kursong Commerce, major in Accounting, sa De La Salle University – Manila noong 1991.

Kabilang sa mga hamon at tungkulin ng PCUP na kakaharapin ni Gonzales ang pakikipag-ugnayan, pagbabantay sa pagpapatupad ng mga programa, at pagbibigay ng representasyon sa mga urban poor organizations.

Sa ilalim ng pamumuno ni Gonzales, inaasahang mas mapapalawak pa ang saklaw ng mga serbisyo ng PCUP at lalong mapapalakas ang boses ng urban poor sa mga usaping pambansa. (Latigo Reportorial Team)

LATIGO JULY 21-27, 2025

LATIGO JULY 21-27, 2025

MAG-AMANG MARCOLETA, NAMAHAGI NG TULONG SA PASIG

Leave a Reply

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"