Nakababahala ang patuloy na operasiyon ng mga saklaan sa ilang mga bayan at lungsod sa lalawigan ng Cavite. Katulad na lang sa Tanza, Cavite City, at Dasmariñas.
Hayagan at lantad na lantad ang operasyon ng mga sakla na pagmamay-ari ng mga operator na sina ALYAS BONI AT KOSA sa Tanza, si ALYAS ZALDY na solong kumakamal ng pera sa Cavite City, at ALYAS JUN LAGO naman sa DASMARINAS. Malakas ang operasiyon ng mga dimuho pero parang walang takot ang mga ito dahil bukambibig nila na sila ay may matibay na sandalan. Binansagan pa nga nila ang kanilang mga sarili bilang UNTOUCHABLE
Ayon sa nagparating ng sumbong na ito, iniyayabang at binabanggit ng mga operator na ito ang pangalan ni PCOL ARIEL R. RED, Provincial Director ng Cavite na diumano`y kaibigan nila at tumatanggap diumano ng lagay para sa proteksiyon ng kanilang operasiyon.
Ipinagyabang pa na sobrang dikit diumano sa nasabing Provincial Director.
Bukod kay PD, Kaladkad din ang pangalan nina PLTCOL JOVEN T. BAHIL ng Tanza; PLTCOL SOCRATES JACA ng Cavite City; at PLTCOL REGINO OÑATE ng Dasmariñas. Diumano, busog ang bulsa ng mga Chief of Police na ito sa kanilang mga saklaan dahil lingguhang payola ang nakakarating sa mga tanggapan nito ayon sa mga operators na ito
Bagama’t wala pang inilalatag na matibay na ebidensya, hindi maitatanggi na may malaking pagkukulang ang mga kinauukulan ukol dito.
Ang sakla ay hindi simpleng laro ng baraha. Ito’y sumisira ng buhay, pamilya, at kinabukasan. Habang patuloy itong pinapalakas ng mga operator at pinapalusot ng mga nagbabantay ng batas, libu-libong kababayan ang nalulugmok sa pagkakautang at pagkawasak ng buhay.
Kaya’t nananawagan tayo sa mga sa tanggapan ni PD at ng mga COP na ito na oras na para aksiyunan niyo ito ipasara ang mga saklaan na ito, panagutin ang mga operator at ipakulong ang mga ito. Dahil bukod sa PD 1602 ay malinaw din na nilabag nito ang mga kasong libeldahil sa pagdawit at pagyurak sa inyong reputasiyon.
Bagama`t tayo ay hindi basta basta naniniwala, kailangan niyo pa rin patunayan na kayo ay tapat sa paglilingkod at walang pakikipagsabwatan sa mga iligalista na ito.
Kung hindi kayo kikilos, malinaw lamang na baka nga may totoo ang mga ito.
Bukas ho ang aming tanggapan para sa inyong panig. ABANGAN. (Latigo Reportorial Team)




