KABAYAN kamakailan nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) laban sa talamak na Human Trafficking Syndicates sa Cambodia makaraang inguso ng apat na Pinoy na pinauwi mula sa Phnom Penh na “ibinenta” umano sila ng online scam operators.
Nasa 20s at 30s ang pina-uwi noong April 19 sa tulong ng Philippine Embassy sa Cambodia at ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT).
Base kasi sa paunang imbestigasyon lumitaw na ang mga biktima ay ni-recruit sa pamamagitan ng Facebook job postings na nag-aalok ng trabaho bilang encoders o (CSR) customer service representatives
Sa kwento ng mga pinoy sa kanilang pagdating sa Cambodia, ang kanilang mga pasaporte ay agad kinumpiska at pinilit silang magtrabaho sa mga online scam hub, kung saan nagpapanggap sila na mga ahente ng Federal Bureau of Investigation o mga kasintahan upang manloko ng mga banyaga.
Dahil hindi nila nakuha ang mga quota,na kanilang target , isinailalim sila sa mahabang oras ng trabaho at mga parusa. na kalaunan ay inilipat o ipinagbili umano sila sa ibang scam groups.
Sa kwento ng isa sa mga biktima, nagtatrabaho siya ng 16 hanggang 20 oras araw-araw dahil may mga banta na ikukulong at pisikal na parusa.
Ayon naman sa isa pang biktima, na nakatakas lamang sila nang inililipat sila sa ibang grupo dahil sa mababang performance.
Gayunman mas pinaigting pa ng pamahalaan ang kampanya laban sa trafficking networks,kung saan nagbabala sila na dapat iwasan ng mga naghahanap ng trabaho ang mga alok na trabaho online.
Paalalaa Department of Migrant Workers (DMW) mas makabubuti na dumaan sa mga lisensyadong kumpanya na nagbibigay ng magandang trabaho at maayos na employer upang hindi mabiktima ng scams.
***
SAPAT ANG SUPPLY,NG BIGAS SA PILIPINAS.
MGA Igan, positibo ang ulat ng pamahalan hinggil sa kalagay ng stock na bigas sa bansa.
Sa tala ng National Food Authority (NFA) umaabot na sa 7.56 milyon sako ng milled rice ang buffer stock ng ahensya bunsod ng peak season ng mga inaning palay sa buong bansa.
Kasunod nitoy inilabas ng NFA nitong Abril 24, nasa 10.1 milyon sako ng palay at 1.2 milyon sako ng milled rice ang na nasa mga bodega ng NFA, na anila’y sapat para tustusan ang buong bansa sa loob ng 10 araw.
Sinabi ni NFA Administrator Larry Lacson, may natitira pa na P12 bilyon na pondo para sa pagbili ng palay sa presyong P18–P24 kada kilo.
Sa kasalukuyan, kasi bumibili ang NFA ng palay sa mga lokal na magsasaka sa halagang P18 hanggang P24 kada k
Pero teka nagkaroon na ng katuparan ang P20 sa bawat kilo ng bigas na ipinatutupad na sa bahagi ng Mindanao kung matatandaan ninyo una ng ipinangako ni Pangulong Ferdinad Marcos jr ang P20 pesos presyo ng bigas noong panahon ng kamapanya sa pagka Pangulo ng Pilipinas.
Plano rin ng Punong ehekutibo na gawin ang P20 pesos sa bawat kilo ng bigas sa National Capital Region,at nito lamang nakaraang araw, ipinakita ni Agriculture Secretary Laurel Jr. ang pagkain ng bagong saing na tig-P20 pesos per Kilo.
Makikita doon as kanilang live feed ng kanilang social media,maputi ang kanilang bigas kabaligtaran sa sinasabi ng mga kontra sa administrasyon na pagkain daw ng hayop ang naturang bigas.
Mas mainam nga sana kung ipatupad na ang P20 pesos na kada kilo ng bigas sa buong bansa upang maramdaman ng mga filipino ang dating pinapangarap lang pero nagkaroon ng katuparan.
Bueno abangan natin ang mga susunod na kabanata,para sa inyong mga rekalmo at reaksyon mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com
