MGA HEPE SA TANZA, CAVITE CITY AT DASMARIÑAS, TUTULOG-TULOG?

CAVITE – Pinaka-notoryus umano sa buong CALABARZON o Region 4A ang lalawigan ng Cavite pagdating sa operasyon ng sakla, jueteng at iba pang klase ng ilegal na sugal. Ito ang ibinulgar ng ilang civic group at concerned citizens na nagpadala ng sumbong at reklamo sa pamamagitan ng text messages at facebook page natin na LATIGO NEWS TV, pero tumangging magpakilala para sa kanilang kaligtasan.

Nananatiling “Illegal-infested” daw ang Cavite dahil sa dami ng nag-ooperate na illegal na sugalan at hindi umano ito matinag dahil protektado diumano ito sa pamamagitan ng “lagayan system.”.

Tinawag ng grupo na “mahina” umano ang pamumuno ni PCOL ARIEL R. RED, Provincial Director ng Cavite dahil tila hindi man lang nito masawata diumano ang operasyon ng mga illegal gambling sa mga bayan ng Tanza, Dasmariñas at lungsod ng Cavite.

Kabilang sa mga umano’y hari ng saklaan alyas BONI at KOSA sa Tanza, alyas ZALDY sa Cavite City, at alyas JUN LAGO sa Dasmariñas.

Talamak diumano at hayagan ang mga operasiyon ng mga sugalan nitong mga iligalista na ito pero tila diumano ay tutulog-tulog lamang ang mga Chief of Police nitong si PD sa mga nasabing bayan na iyan.

Nagtataka din ang mga civic group na ito dahil tila itong sina PLTCOL JOVEN T. BAHIL ng Tanza, PLTCOL SOCRATES JACA ng Cavite City, at PLTCOL REGINO OÑATE ng Dasmariñas ay parang “bulag” kung ilarawan sa mga reklamo.

Napag-alaman pa na tila IBANDERA ng mga operator na ito na sila ay UNTOUCHABLE dahil sila ay may proteksiyon diumano sa tanggapan ni PD at mga HEPENG ito kung saan ipinagmamayabang pa nga nito na LIBO-LIBO ang padala nila sa tanggapan ni Hepe habang Kulang MILYON naman kay PD diumano.

Anila`y di ito malabo dahil hayagan at halos VISIBLE na ito sa kapulisan sa mga nasabing bayan pero tila “WHO CARES” lang ito.

Samantala, may parating din sa atin na sa iba pang bayan ay kalat din ang mga saklaan, katulad sa bayan ng Indang na hawak naman nina ALYAS ONJIE AT SERGEANT ATAS. Sa Mendez, sina ALYAS DODJIE, RECARTE AT KAGAWAD FELIX ang nag-o-operate, habang sa Magallanes si ALYAS ANA. Sa Kawit, Noveleta, Rosario, Tanza at Amadeo, isang ALYAS ELWIN na empleyado ng NBI, kasosyo si ALYAS ERIC, ang umano’y nagmamaniobra. Sa Maragondon, pag-aari ng isang MARICON ang cockpit arena, at sa Bacoor naman ay pinatatakbo ng isang ALYAS GENIL. Tutukan natin ito sa mga susunod pang isyu

Dahil dito, duda ng mga civic group at concerned citizens na ito na diumano ay baka kumikita at nakikinabang ang pulis cavite sa operasyon ng mga illegal na sugalan na ito.

Panawagan naman ngayon ng mga concerned citizen at civic group, dapat kumilos at paimbestigahan ni Gov. Abeng Remulla ang provincial director at mga hepe sa iba`t-ibang bayan ng kaniyang lalawigan upang sugpuin ang talamak na ilega gambling sa Cavite.

Ayon pa sa grupo, nais nila ipaalala na ayaw ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ng ganyan diin pa at magbibigay ito ng kakahiyan kay DILG Secretary Jonvic Remulla at DOJ Secretary Boying Remulla na tubong Cavite. Lalo`t nahaharap ngayon ang bansa sa malaking isyu tungkol sa korapsiyon sa DPWH at mga proyekto nito.

Ngayon, bukas ang ating pahayagan para sa panig nina PD at ng mga HEPENG ito gayundin ang kanilang mga aksyon ukol sa reklamong ito. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

NATIVIDAD, NANGUNA SA PAGTATATAG NG SC3C SA MALOLOS

PCOL SIBALO KONTRA ILLEGAL GAMBLING SA BATANGAS, MAHINA?

MR. MARIO BATUIGAS

President & CEO of Latigo Handang Maglingkod Foundation, I

"HANDANG MAGLINGKOD KAILANMAN AT SAANMAN"