ALFONSO, CAVITE —May sumbong na nakarating sa ating tanggapan mula sa ilang mga concerned citizens na diumano ay nagkalat ang mga pasugalan ng sakla kung saan diumano ang mga ito may puwesto pijo.
ma gumugumon sa mga simpleng manggagawang mga padre de pamilya at mga menor de edad pa naman.
Ayon sa sumbong ay sumentro sa Bayan ng Alfonso, Cavite kung saan tila dahil nagkalat ang mga iligal na pasugalang ito, nalulong ngayon ang mga padre de pamilya na kung saan dapat ang mga kita nila ay para sa pamilya dapat mapunta ngunit sinusunog pa ang pera sa sugal.
Ang sugal na sakla ay malinaw ipinagbabawal ng Presidential Decree 1602, pero tila binabaliwala lang ito sa bayan ng Alfonso. Talamak na talamak ang saklaan na iyan. Umabot pa sa puntong kinakailangan pa ng mga iligalist gumawa ng mga burol kunwari ng patay.
Napag-alaman ng ating tanggapan na hindi man lang pinapansin diumano ni Mayor Randy Salamat, alkalde ng Alfonso sa lalawigan ng Cavite maski ang kaniyang hepe na si PMAJ Julius Mojica.
Kung saan ay ginagamit pa diumano ang kanilang pangalan ng mga illegal gambling operator na sina Alyas Ian at Alyas Francis.
Diumano ay sobrang lakas nitong sina Alyas Ian at Alyas Francis, yabang nito ay tila sila diumano ay lamas pasok lamang sa tanggapan nina Mayor Randy Salamat at PMAJ Julius Mojica dahil lingguhan daw ang parating nitong mga ito ng payola.
Gaano ito katotoo Mayor Randy Salamat at PMAJ Julius Mojica?
Mayor Salamat at PMAJ Julius Mojica, galaw-galaw po!
Ito ay mga parating lamang sa aming tanggapan, ngunit kung nais niyong linisin ang inyong pangalan ay dapat ipasara at aksyunan niyo po ito.
Dahil kinakaladkad lamang ng mga iligalista na ito na diumano kayo ay nagbibigay proteksyon sa operasiyon ng mga sugalan ng mga bigtime gambling operator na sina Mayor Randy Salamat at PMAJ Julius Mojica.
Kaladkad din dito ang pangalan ng bagong uupong governor na si Gov. Abeng Remulla maging si CAvite 8th district Congresswoman Aniela Tolentino diumano ay pinadadalhan din ng lingguhang payola ng mga ililgal gambling operator na ito.
Ngayon panawagan natin na dapat din umaksiyon itong sina Gov. Abeng Remulla at Cong. Aniela Tolentino dahil nani-name drop ang kanilang mga pangalan.
Bagamat tayo ay di naman naniniwala basta basta kaya Bukas ang ating tanggapan upang madinig ang inyong panig at madinig namin ang inyong gagawing aksiyon .
Patuloy naming tutukan ang mga isyu na ito hanggang sa mga susunod na isyu ng pahayagang ito. Abangan! (Latigo Reportorial Team)