MARCOLETA, UMAKYAT SA SURVEY NG MBC-DZRH SA REGION X

Umangat ang tiyansa ni Senatorial Candidate Rodante Marcoleta sa darating na halalan ­matapos siyang pumwesto sa ikaapat na ranggo sa pinakabagong survey ng MBC-DZRH sa Region X.
Batay sa isinagawang survey mula Marso 8 hanggang 10, 2025, lumalakas ang suporta kay Marcoleta na ngayon ay may 43.9% na rating. Patuloy na nangunguna sa listahan si Bong Go na may 81.0%, kasunod si Bato Dela Rosa na may 79.5%, at nasa ikatlong pwesto si Philip Salvador na may 46.4%.
Samantala, nasa ikalimang puwesto si Manny Pacquiao (41.6%), sinundan ni Jimmy Bondoc (40.1%), Erwin Tulfo (37.8%), Willie Revillame (37.6%), Raul Lambino (37.2%), at Lito Lapid (35.7%). Pasok rin sa nangungunang labindalawa sina Camille Villar (35.6%) at Bienvenido Tulfo (29.7%).
Ang nasabing survey ay isinagawa sa buong bansa na may margin of error na 1.13%.
Ipinapakita ng resulta na patuloy ang paglakas ng kampanya ni Marcoleta, lalo na sa Region X, habang papalapit ang eleksyon. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

97 DAYUHAN, ARESTADO NG CIDG SA ISANG RAID KONTRA POGO

GARAPALANG OPERASYON NG ILLEGAL GAMBLING SA PANGASINAN, TALAMAK PA RIN!

One thought on “MARCOLETA, UMAKYAT SA SURVEY NG MBC-DZRH SA REGION X

Comments are closed.