MARCOLETA, TAGUMPAY PARA SENADOR NGAYONG NLE2025

PANALO si Senator Rodante Marcoleta sa 2025 senatorial elections matapos makapasok sa Magic 12, sa kabila ng pagiging underdog sa mga pre-election surveys.
Batay sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) noong Mayo 13, 6:42 ng umaga, kung saan nasa 80.34% na ng election returns ang naiproseso, kumpirmadong pasok na si Marcoleta sa hanay ng mga bagong senador ng bansa kung saan siya ay naihalal sa ikaanim na puwesto.
Sa mga huling survey ng Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia bago ang halalan, si Marcoleta ay nasa ika-16 hanggang ika-18 puwesto — malayo sa inaasahang mananalo. Gayunman, nang bilangin na ang mga boto mula sa iba’t ibang lalawigan, umangat nang husto ang kanyang bilang.
Ayon sa mga political analyst, malaking bahagi ng boto ni Marcoleta ay nagmula sa mga probinsya, kung saan malakas ang kanyang koneksyon sa masa at kilala siya sa kanyang matapang na paninindigan sa Kongreso.
Sa kabila ng ingay ng ilang kilalang pangalan sa kampanya, si Marcoleta ay tahimik ngunit matatag na sumulong sa huling yugto ng eleksyon. Ang mga kandidato tulad nina Ben Tulfo, Bong Revilla, at Abby Binay na pawang nanguna sa mga survey sa mga nakaraang buwan, ay bumagsak sa ika-13 hanggang ika-15 puwesto.
Mula sa pagiging itinuturing na longshot, si Marcoleta ay patunay na ang suporta ng taumbayan ay higit pa sa resulta ng survey. Sa kanyang pagkapanalo, asahan ang isang matatag, matapang, at makabayang tinig sa Senado. (Latigo Reportorial Team)

Spread the love

FERNANDO-CASTRO, SIGAW PA RIN BULAKENYO!

PROGRAMANG PANGKABUHAYAN, PINALAKAS NG PCUP AT UNIBERSIDAD NG BATANGAS