MANILA — Pasok sa “Magic 12” ng pinakahuling Pulse Asia Survey ang kasalukuyang SAGIP Partylist Representative at kandidato para senador na si Congressman Rodante Marcoleta, batay sa isinagawang survey noong Marso 23 hanggang 29, 2025.
Nakakuha si Marcoleta ng 28.3% na boto mula sa mga respondent, dahilan upang mapabilang siya sa hanay ng mga kandidatong nasa ika-12 hanggang ika-18 puwesto. Sa kabila ng pagiging independent candidate, nakakuha ito ng 74% awareness rating lamang upang siya ay matagumpay na makapasok sa Top 12, indikasiyon ng kaniyang mas lumalawak na visibility sa political arena ngayong eleksiyon.
Samantala, Nanguna sa survey si Bong Go (PDPLBN) na may 61.9% ng boto at 100% awareness rating. Sinundan siya nina Erwin Tulfo (LAKAS) at Bato Dela Rosa (PDPLBN), na kapwa nasa ika-2 hanggang ika-3 puwesto matapos makakuha ng 51.1% at 48.7%, ayon sa pagkakasunod. Si dating Senate President Tito Sotto (IND) naman ay pumwesto sa ika-4 na ranggo na may 40.6%.
Samantala, magkakapantay sa ika-5 hanggang ika-10 puwesto sina Pia Cayetano (NP) na may 37.5%, Bong Revilla (LAKAS) na may 36.9%, Ping Lacson (IND) na may 36.0%, Willie Revillame (IND) na may 35.7%, Ben Tulfo (IND) na may 35.4%, at Abby Binay (NPC) na may 35.3%. Bahagyang mas mababa ang nakuha nina Lito Lapid (NPC) na may 33.5% at Manny Pacquiao (PFP) na may 32.0%, kaya’t kapwa sila nasa ika-8 hanggang ika-16 na pwesto.
Kabilang naman sa mga kandidatong nasa ika-11 hanggang ika-18 na pwesto ay sina Phillip Salvador (PDPLBN) na may 30.9%, Camille Villar (NP) na may 29.6%, Bam Aquino (KNP) na may 28.6%, Rodante Marcoleta (IND) na may 28.3%, Imee Marcos (NP) na may 27.6%, at Kiko Pangilinan (LP) na may 26.6%.
Ayon sa Pulse Asia, pinayagan ang bawat respondent na pumili ng hanggang 12 kandidato para sa Senado. Ang survey ay isinagawa sa mga tinatawag na “likely voters” o mga botanteng malamang na lumahok sa eleksyon ngayong Mayo 2025.
Ang pagpasok ni Marcoleta sa Magic 12 ay malinaw na patunay ng kumpiyansa ng publiko sa kanyang mga paninindigan at track record bilang mambabatas.
Inaasahang mas paiigtingin pa ni Marcoleta ang kanyang kampanya sa mga susunod na buwan upang mapalakas ang kanyang tsansa na manalo sa darating na halalan.
(Latigo Reportorial Team)
